Xian Lim Umamin Na Sa Pagkakamaling Ginawa

Lunes, Enero 15, 2024

/ by Lovely


 Muling binalikan ng mga netizens ang isang post noon ni Xian Lim kung saan tila inamin na rin umano nito ang kanyang pagkakamali sa kanyang ex-girlfriend na si Kim Chiu.


Ibinahagi noon ni Xian Lim ang isang content sa kanyang YouTube channel na may pamagat na 'I made a mistake'. Marami pa noon ang napapatanong kung ano ang ibig ipakahulugan ni Xian Lim sa kanyang content noon kung saan humihiling pa siya ng sorry.


Hindi naman naka-detalye kung ano ang ibig ipakahulugan ni Xian Lim sa kanyang vlog bukod sa mararamdaman ang lungkot rito. May mga netizens naman na naghinala na noong inup-load ni Xian Lim ang video ay may nangyayari nang hindi maganda sa kanilang relasyon ni Kim Chiu.


Inamin pa noon ni Xian Lim na hindi umano niya naayos ang lahat dahil busy siya sa pag-iisip ng mga negatibong bagay patungkol sa kanyang sarili. Marami pa noon ang sumuporta kay Xian Lim subalit tila binabawi na ito ngayon lalo na't nagsilabasan na ang mga baho ng aktor.


Bagama't wala namang ipinahayag na dahilan si Kim Chiu patungkol sa kanilang paghihiwalay ni Xian Lim, marami naman ang kumbinsido na si Xian Lim ang may pagkakamali lalo na't kumalat na rin noon ang mga larawan ni Xian Lim kung saan may kasama siyang ibang babae habang mainit pa ang hiwalayan isyu nila ng aktres.


Matatandaan na nitong December 23, 2024 tuluyan nang kinumpirma nina Kim Chiu at Xian Lim ang kanilang paghihiwalay matapos ang ilang buwang pagkakaulat na wala na sila.


Parehong hindi naglabas ng pahayag ang dalawa patungkol sa totoong dahilan at kung kailan sila tuluyang naghiwalay. 


Gayunpaman, may naglabasang mga tsika na kapag magsalita itong si Kim Chiu sa totoong nangyari sa kanila ni Xian Lim ay tiyak na masisira ang career at pangalan ni Xian Lim.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo