Xian Lim Napikon, Ayaw Banggitin Ang Pangalan Ni Kim Chiu

Huwebes, Enero 18, 2024

/ by Lovely


 Hindi pa rin natitigil ang pambabatikos ng mga netizens sa dalawang aktor na kamakailan lamang ay nahiwalay sa kanilang mga longtime relationship. Isa na rito ang Kapamilya actor na si Daniel Padilla na kamakailan lamang ay nahiwalay sa kanyang longtime girlfriend na si Kathryn Bernardo.


Marami sa mga netizens ang nanggagalaiti sa aktor dahil sa pagiging pretentious nito pagdating sa pagiging conservative subalit kasalungat naman nito ang mga naglabasang isyu ngayon patungkol sa aktor at mga babaeng kinakalantari nito habang karelasyon pa niya ang aktres na si Kathryn Bernardo.


Ang isa pang aktor na nakakatanggap ngayon ng pambabatikos sa social media ay walang iba kundi ang Kapuso actor na si Xian Lim. Kamakailan lamang ay inamin na rin nina Kim Chiu at Xian Lim ang kanilang paghihiwalay.


Bagama't walang sinabing dahilan si Kim Chiu sa naging dahilan ng kanilang break up, marami pa rin ang naniniwala na nangyari ito dahil sa kapabayaan ni Xian Lim.


Marami rin kasi ang naiinis kay Xiam Lim dahil palagi umanong playing safe ang sagot nito sa tuwing natatanong patungkol sa dahilan ng hiwalayan nila ni Kim Chiu.


Palaging sagot na lamang ni Xian Lim ay ang paniniwala niyang may dahilan ang diyos kaya hinayaan nito na magkahiwalay silang dalawa.


Maarami rin ang nayayabangan sa aktor dahil sa pagiging unbothered umano nito sa pagtatapat ng mga teleserye nila ni Kim Chiu sa telebisyon sa magkaparehong timeslot, ito'y sa kabila ng mga pahayag ng ilang netizens na hindi nila susuportahan ang teleserye ni Xian Lim.


Pinag-initan rin ng mga netizens ang naka-off comment ni Xian Lim sa kanyang Instagram account, ayon sa mga ito, kung totoong unbothered si Xian Lim sa mga pambabatikos sa kanya bakit umiiwas itong makabasa ng mga komento ng fans ni Kim Chiu.


May mga pumuna rin sa pamimili ni Xian Lim ng mga sasaguting press sa tuwing mayroon siya press conference tila lumaki umano ang ulo nito gayung hindi naman siya kagalingan pagdating sa pag-arte.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo