Dimples Romana Binuking Hitsura, Sitwasyon Ni Angel Locsin, Magbabalik Na Siya?

Miyerkules, Enero 17, 2024

/ by Lovely


 Ginulat ng aktres na si Angel Locsin ang mga netizens nang bigla na lamang siyang manahimik sa social media at hindi na rin nagpapakita sa publiko mahigit isang taon na ang nakakalipas.


Dahil sa matagal nang pananahimik ng aktres, naglabasan ang mga isyu kabilang na ang pagkakaroon ng marital problem nina Angel Locsin at asawa nitong si Niel Arce, may mga naglabasan pang isyu na umano'y may kinakaharap na isyung pangkalusugan si Angel Locsin.


Subalit ang lahat ng ito ay pinabulaanan ng aktres na si Dimples Romana na hanggang ngayon ay nakikita pa rin ang aktres sa personal sa kabila ng tila pagtatago nito sa lahat.


Marami sa ilang mga showbiz personalities ang nasasabik na makasama si Angel Locsin subalit tila naiiba naman Dimples dahil hindi naputol ang kanilang ugnayan ni Angel Locsin.


Ayon umano kay Dimples Romana, mas madalas na niyang nakakasama ngayon si Angel Locsin at nakaka-bonding kasama ng kanyang anak. Natutunan rin umano ni Dimples mula kay Angel Locsin na hindi lahat ng mga magagandang bagay na nangyayari sa buhay ay kailangang ipost sa social media.


Iginiit rin ni Dimples Romana na maayos naman ang kalagayan ngayon ni Angel Locsin at masaya ito sa kanyang buhay. Hindi na rin umano hinahawakan ni Angel Locsin ang kanyang cellphone bukod sa mga importanteng tawag, hindi na rin umano ito nagrereply sa mga chats ng iba dahil kinailangan umano nitong i-detoxify ang sarili sa social media.


Bilib din umano si Dimples kay Angel Locsin dahil sa pagpapakita sa kanya sa katotohanang pwede pa rin namang masaya ng hindi na isinisiwalat pa online.


Ayon pa kay Dimples Romana ay hindi na naglalabas ng bahay si Angel Locsin pero maayos naman ang kalusugan nito. Nakakabonding at nakakakulitan pa umano niya ito, nakakasama rin nilang kumain ng mga bata.


Natuto rin umano siya kay Angel Locsin, kaya naman ngayon ay hindi na gaano niya ibinabahagi sa social media ang personal na kaganapan sa kanilang pamilya.


Masaya din siya dahil nakikita niyang positibo ang naging epekto kay Angel Locsin sa paglayo nito sa social media at sa mata ng publiko na palaging nakabantay sa kanila sa showbiz.


Iniiwasan na rin umano nilang mapag-usapan ngayon ang showbiz industry at tanging personal na buhay na lamang ang laman ng kanilang mga usapan.


Sa mga isiniwalat ni Dimples, mahihinuhang wala nang balak pa si Angel Locsin na bumalik sa magulong mundo sa showbiz dahil kuntento na ito sa buhay niya ngayon na malayo sa panghuhusga at negativity ng ilang mga tao sa social media at sa showbiz.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo