Vhong, Ogie, Ryan May Ibinuking Tungkol Kay Kim Chiu

Huwebes, Enero 18, 2024

/ by Lovely


 Pumatok kaagad ang vlog nina Vhong Navarro at Ogie Alcasid sa lumalabas sa YouTube sa katunayan, nakarating na umano sa kanila ang balitang maraming gustong maging guest nila.


Samantala, sa latest episode ng Let's Vhogie, prinank nila ang kanilang guest sa pamamagitan ng pagsasabing tapos na ang kanilang show, ito'y walang iba kundi ang kanilang co-hosts sa It's Showtime na si Ryan Bang.


Ibinahagi naman ni Ryan Bang, na nahuli siya ng MMDA dahil pinasok niya ang isang one way road.


Sa unang bahagi ng kanilang vlog ay pawang mga walang kwentang tanong muna ang binitawan nila para kay Ryan Bang. Katulad na lamang kung bakit umano nagpupumilit si Ryan Bang na maging guest sa kanilang show.


Subalit hindi ito diretsahang sinagot ni Ryan Bang, bagkus ay sinumbatan niya si Ogie Alcasid sa pakikilkigo sa condo niya pagkatapos ay nilait naman sa national TV ang shower niya.


Pabiro pang nanawagan si Ryan Bang sa ilang mga artista na huwag nang tumuloy sa pagiging guest sa show nina Vhong at Ogie Alcasid dahil ang usapan umano nila ay simpleng tanong lamang pero nagiging mahirap na para sa kanya ang lahat.


Kabilang pa sa mga naitanong nina Ogie at Vhong kung bakit magkaaway umano sila ni Kim Chiu at kung bakit hindi umano sila nagpapansinan sa It's Showtime.


Kaagad namang dumipensa si Ryan Bang kung saan ipinahayag niyang never silang nag-away ni Kim Chiu, subali habang ipinapahayag ito ni Ryan Bang ay panay tawa naman sina  Vhong at Ogie na tila ba hindi sila naniniwala sa sinasabi nito.


Dito na umamin si Ryan Bang na noong nagkaroon siya ng girlfriend nais muna sana niyang maging sekreto muna ang lahat para sa kanyang privacy pero nagulat na lamang umano siya dahil naikwento na ito ni Kim Chiu sa It's Showtime.


Subalit, naiintindihan naman umano ni Ryan Bang na natuwa lamang si Kim Chiu sa pagkakaroon na niya ng girlfriend dahil malapit sila sa isa't-isa.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo