Kathryn Bernardo, May Kasalanan Din Sa Hiwalayan Nila Ni Daniel Padilla

Biyernes, Enero 19, 2024

/ by Lovely


 Sa gitna ng mga natatanggap na negatibong komento at pambabatikos ng Kapamilya actor na si Daniel Padilla sa naging hiwalayan nila ng Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo, tila may mga nagtatanggol naman sa aktor at iginiit na hindi lamang kasalanan nito ang nangyari sa kanilang relasyon.


Naglabas ng pahayag ang veteran showbiz columnist na si Lolit Solis kung saan inilabas niya ang kanyang saloobin patungkol sa naging hiwalayan ng celebrity couple na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.


Lalong-lalo na sa natatanggap na pambabatikos ngayon ni Daniel Padilla dahil siya ang sinisisi ng mga netizens sa nangyari sa relasyon nila ng aktres na si Kathryn Bernardo.


Naniniwala umano si Lolit Solis sa kasabihan na 'it takes two to tango' kaya naman hindi umano maaring ibunton na lamang kay Daniel Padilla ang lahat ng sisi sa nangyari sa 11 years nilang relasyon ni Kathryn Bernardo.


Ayon kay Lolit Solis, maaring si Daniel Padilla nga ang dahilan sa naging hiwalayan nila ni Kathryn Bernardo subalit, maari rin umanong na outgrow lamang nilang dalawa ang kanilang feelings sa isa't-isa. Dapat rin umano itong intindihin ng mga taong nakapaligid sa kanilang dalawa.


Ipinunto pa ni Manay Lolit Solis na dapat ang mga fans nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ay may malawak na pang-unawa, na sana ay maisip rin nila na hindi lamang si Daniel Padilla ang may kasalanan sa kanilang paghihiwalay.


Hiniling din ni Lolit Solis na sana ay huwag namang hayaan ng mga fans ng KathNiel fans na masira ang showbiz career ni Daniel Padilla dahil lamang sa one sided story na hindi pa naman umano kimukumpirma ngayon ng dalawa.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo