Unang House Ni Daniel Padilla Na Naipundar for Sale, Halaga Nito Masyadong Mahal!

Huwebes, Enero 18, 2024

/ by Lovely


 Matapos lumabas ang balitang ibinibenta ni Daniel Padilla ang kanyang kauna-unahang sportscar lumabas naman ang balitang ibinibenta na rin nito ang kanyang bahay sa Fairview, Quezon.


Makikita naman sa ibinahaging post ang detalye ng sinasabing bahay ni Daniel Padilla. Ang lot area nito ay nasa 500 square meter, ang bahay ay two storey na may 6 bedrooms, 6 bathrooms at may 5-6 car garage.


May malaki rin umano itong living area, dining area, main kitchen, porch, lanai, grand staircase. Ang master bedroom ay may walk in closet, breakfast nook, auxiliary Kitchen, laundry and service area, electric room, storage room, balcony, mayroon din itong maid and driver's rooms.


Ang asking price naman ng bahay ay nasa 50 million pesos. Nakasaad rin sa nasabing post kung sino ang dapat kausapin ng mga taong interesado na makita ang buong bahay.


Sa sunod-sunod na pagbibenta ni Daniel Padilla sa kanyang mga ari-arian na naipundar niya mula nang maging magkasintahan sila ni Kathryn Bernardo, marami ang napapatanong kung naghihirap na nga ba ngayon ang aktor?


Samantala, may mga nagsasabi naman na baka parte ng pagmomove on ni Daniel Padilla ang ginawa nitong desisyon ngayon na bitawan ang mga bagay na nakakapagpaalala sa kanya sa nagdaang relasyon nila ni Kathryn Bernardo.


Ayon naman sa komento ng ilang mga netizens, na hindi maganda ang location ng bahay nina Daniel Padilla dahil matrapik umano sa Fairview. May mga nagsasabi pa ng masyado lamang malaki ang presyo ng nasabing property.


May mga naghinala naman na baka bibili ng panibagong property sina Daniel Padilla kung saan makakapagsimula siya ng panibagong buhay lalo na ngayong wala na sila ni Kathryn Bernardo.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo