Abs Cbn Bibitawan, Daniel Padilla Kanselado Ang Apat Na Endorsement!

Huwebes, Enero 18, 2024

/ by Lovely


 Tila nagsisimula nang mangyari ang pinapangambahan noon ng mga fans ng aktor na si Daniel Padilla na maapektuhan ang kanyang showbiz career dahil sa paghihiwalay nila ni Kathryn Bernardo.


Sa isang episode ng Marisol Academy, isiniwalat ng isang host ang tsikang nasagap mula sa kanyang source na may apat na endorsement umano na para sana kina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang nagbago ang isip at tanging kay Kathryn Bernardo na lamang ibinigay ang sho, inalis na ang aktor.


Matatandaan na noong November 30, 2023, ginulat nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang lahat ng mga KathNiel fans nang kumpirmahin nilang pareho ang kanilang paghihiwalay na ilang linggo na rin laman ng usap-usapan noon.


Hindi man nila isiniwalat ang totoong dahilan ng kanilang paghihiwalay subalit marami ang naghinala na ang aktor ang may kasalanan sa nangyari sa kanilang relasyon. Noon pa mang hindi pa nila inamin ang kanilang paghihiwalay, marami nang naglabasang isyu ng pambababae ng aktor.


Noong una ay hindi pa ito pinaniniwalaan ng ilang mga KathNiel fans dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat kung paano ipanapakita ni Daniel Padilla ang pagiging strikto kay Kathryn Bernardo lalo na sa pananamit ng aktres.


Subalit, nang hayagan nang i-unfollow ng aktres ang aktor, dito na nakumbinsi ang mga netizens na may kasalanan talaga ang aktor sa aktres na naging dahilan ng kanilang paghihiwalay.


Bukod pa rito, marami na rin isyung naglalabasan patungkol sa mga naging babae ni Daniel Padilla na ngayon lamang naging malinaw sa lahat.


Sa kabila naman sa pagkakamali ni Daniel Padilla noon, marami naman ang nagsasabi na sana ay huwag namang hayaan ng mga basher ng aktor na maging ang trabaho ng aktor sa showbiz at maapektuhan.


Samantala, nananatili namang tikom ang bibig ni Kathryn Bernardo at Daniel Padilla hinggil sa nasabing isyu, tila hinahayaan na lamang ng dalawa na isipin ng mga netizens ang gusto nilang isipin sa nangyari sa kanilang 11 years relationship.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo