Vilma Santos Kinaladkad Ni Claudine Barretto Sa Issue?! Ate Vi Ayaw Makisawsaw Sa Gulo Ni Claudine?!

Lunes, Enero 8, 2024

/ by Lovely


 Kaagad na pinabulaanan ng ina ni Luis Manzano na si Vilma Santos ang patngkol sa mga nagsibasang isyu patungkol sa naging nakaraan nina Claudine Barretto at Raymart Santiago.


Ayon sa naging pahayag ng veteran showbiz na si Cristy Fermin sa programa niyang Cristy Ferminute, mariing itinatanggi ni Vilma Santos na pinayuhan niya si Claudine Barretto na idemanda ang estranged husband nito na Raymart Santiago.


Matatandaang lumabas noon sa ilang mga articles online patungkol sa pagpapayo umano ni Vilma Santos kay Claudine Barretto na magdemanda kay Raymart Santiago upang ipaglaban ang karapatan nila ng kanyang mga anak.


Lumabas naman umano ang pahayag na ito ni Claudine Barretto sa YouTube vlog ni Luis Manzano na Luis Listens kung saan naging guest si Claudine Barretto.


Base sa naging pahayag ni Claudine Barretto sa vlog ni Luis Manzano, very close siya sa mga magulang nito na sina Edu Manzano at Ate V kung saan itinuturing niya itong mga tagapagligtas.


Marami umano itong ibinigay na payo sa kanya lalo na si Ate V na itinuring na rin siyang isa sa anak nito. Ayon umano sa kay Ate V na dapat niyang ipaglaban kung ano ang nararapat sa kanya.


Umani ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens ang pagpapayo umano ni Ate Vilma Santos kay Claudine Barretto na idemanda si Raymart Santiago.


Gayunpaman, nilinaw ni Manay Cristy Fermin na wala namang binanggit si Ate V na magdemanda si Claudine ang ipinayo lamang nito ay ang ipaglaban ni Claudine ang para sa kanya at sa kanyang mga anak.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo