Tunay Na Dahilan Bakit Binenta Ni Daniel Padilla Ang House and Lot

Huwebes, Enero 18, 2024

/ by Lovely


Ibinulgar ng sikat na showbiz insider at talent manager na si Ogie Diaz sa episode ng kanyang showbiz oriented vlog sa kanyang YouTube channel ang dahilan kung bakit ibinibenta na nina Karla Estrada ang kanilang bahay sa Quezon City.


Ayon sa nakarating kay Ogie Diaz, matagal na umanong gustong ibenta ni Karla Estrada ang nasabing property dahil gusto nitong lumipat somewhere south.


Buong pahayag ni Ogie Diaz, "Iisipin ng mga tao, saan naman sila titira? Naghihirap na ba ang pamilya ni Daniel Padilla kaya nagbebenta ng bahay? My goodness, alam niyo ang importante, may ibebenta."


Dagdag pa ni Ogie Diaz, "Ang alam ko kasi, parang gusto ni Karla ibenta na talaga ang bahay. Kasi gusto nang lumipat ni Karla sa bandang south."


Marami naman ang naghinala na nais na umanong magsimula ng panibago ang pamilya ni Daniel Padilla matapos ang natanggap nilang pambabatikos mula noong 2022 National Elections Election campaign at ang naging hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na kamakailan lamang naganap.


May mga naghinala pa na tila nais na umanong kalimutan ng pamilya ang nakaraan lalo na ang parte ni Kathryn Bernardo na nakasama rin nila sa kanilang buhay sa loob ng 11 years.



Si Daniel John Elago Ford ay ipinanganak noong April 26, 1995. Kilala siya sa showbiz bilang si Daniel Padilla, isang Filipino artist at singer. Kinilala si Daniel Padilla bilang isa sa mga pinakakilalang batang aktor sa Pilipinas.


Siya ay tumatanggap ng maraming parangal sa telebisyon, pelikula, at musika, kabilang ang FAMAS Award para sa Best Actor at PMPC Star Award para sa Movie Actor of the Year, pati na rin ang tatlong nominasyon ng World Music Awards.


Kilala rin si Daniel Padilla sa showbiz bilang conservative boyfriend noon ni Kathryn Bernardo dahil sa pagiging istrikto nito sa pananamit ng aktres. Subalit ikinagulat ng lahat ng lumabas ang mga balitang kaya naghiwalay ang dalawa dahil sa pambabae ng aktor.


Karamihan pa sa mga naging babae nito ay mga kakilala lamang ni Kathryn Bernardo.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo