Ian Veneracion Nabatikos, Pinalitan Dahil Sa Laki Ng Hinihinging Talent Fee Para Sa Isang Event!

Huwebes, Enero 18, 2024

/ by Lovely


Marami ang nagulat sa rebelasyon ng dating director at writer na si Ronaldo Carballo na ibinahagi niya sa kanyang Facebook account patungkol sa beteranong aktor na si Ian Veneracion.


Ayon sa naging Facebook post ni Ronaldo Carballo, inimbitahan nila si Ian Veneracion sa isang event para sa last sunday ng January sa Tarlac Festival. Subalit ayon sa road manager ni Ian Veneracion, 500 hundred thousand pesos ang kailangang ibayad kay Ian Veneracion habang nasa parada ito at kung lalagpas sa dalawang oras ang appearance ng aktor ay kailangan nilang dagdagan ang bayad ng 100 thousand kada oras.


Sa puntong ito, tila hindi kaya ng community ng Tarlac Festival ang demand ni Ian Veneracion kaya naman maghahanap na lamang sila ng ibang aktor na ipapalit kay Ian Veneracion para sa Tarlac Festival.


Ayon pa sa pagdedetalye ni Ronaldo, sasakay lamang sa float si Ian Veneracion at kakaway-kaway lamang siya roon hindi siya kakanta subalit ang sinabing presyo sa kanila ng road manager ay 500 000 pesos para sa dalawang oras lamang at kapag lalampas sila ay magbabayad na sila ng additional 100 000 pesos kada oras.


Bukod pa rito, nagrequest pa umano ang aktor na kapag may ibang artista na kasama sa parade dapat ay nakabukod sa kanya ng float dahil ayaw ng aktor na may makasamang kung sino-sino sa kanyang float.


Dagdag pa ng road manager ng aktor na dapat may pambayad talaga ang producer dahil upon contract signing, hihingi na sila ng 50% downpayment at bago sumampa sa float si Ian Veneracion, dapat ay fully paid na ito.


Handa naman umanong magbayad ang pamunuan ng Tarlac Festival sa 500 000 pesos na demand ni Ian Veneracion kahit napakamahal na nito, subalit ang hindi nila nagustuhan ay ang additional 100 000 pesos na hinihiling nito kapag lumampas sa dalawang oras ang appearance nito.


Sa huli ay pumayag na umano si Ian Veneracion sa 500 000 pesos talent fee hanggang matapos ang parade subalit tumanggi na ang talent coordinator dahil kinukontak na rin nila si Piolo Pascual bilang kapalit nito.


Marami naman ang hindi makapaniwala sa pagdedemand ni Ian Veneracion at pinaghinalaan pang ang road manager na lamang nito ang nagdi-demand. Subalit, sa kasunod na mga post sa social media tila pinatunayan ni Ronaldo na si Ian talaga ang nagdedemand hindi ang kanyang road manager.


Samantala narito naman ang komento ng ilang mga netizens hinggil sa talent fee ni Ian Veneracion.


"OA ang demand na TF. Matakot kana lapitan si Ian ahahahha.

Linawin din dapat ang scope ng work and duration before agreeing to the TF offered. Bargaining is always open until not sealed"


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo