Kris Aquino Nahihirapan Nang Maging Malakas at Lumaban Sa Kanyang Karamdaman

Lunes, Enero 29, 2024

/ by Lovely


 Inamin ng Queen of All Media na si Kris Aquino na nahihirapan na siyang labanan ang kanyang mga karamdaman.


Magdadalawang taon na rin mula nang magpunta sa Amerika si Kris Aquino upang magpagamot sa kanyang mga autoimmune diseases kasama naman niya roon ang kanyang dalawang anak na sina Bimby at Josh.


Samantala, nitong January 26, 2024 nagbahagi muli ng update si Kris Aquino kasabay ng paggunita niya sa ika-91 na kaarawan ng namayapa niyang ina na si former president Corazon Aquino.


Unang ibinahagi ni Kris Aquino sa kanyang Instagram stories ang larawan ng dalawa niyang anak na sina Josh at Bimby noong nasa Disneyland ang mga ito.


Ipinahayag ni Kris Aquino na naging tradisyon na nila na pumunta sa Disneyland sa tuwing sasapit ang kaarawan ng kanyang ina na dati rin ina ng buong bansa subalit dahil sa kanyang karamdaman hindi na niya maaring samahan ang kanyang mga anak kaya naman ang kaibigan na lamang niya na si Mercy Gonzales ang sumama sa kanyang anak.


Sa caption ni Kris Aquino sa kanyang Instagram stories, pinasalamatan niya si Mercy Gonzales sa pagsama sa kanyang dalawang sa panibago nilang tradisyon na magtungo sa Disneyland sa tuwing kaarawan ng ina. Hindi kasi niya nasamahan ang kanyang mga anak ngayon dahil hindi siya kasing lusog katulad noong nagdaang taon.


Kasalukuyan umano siyang may bad flare at very clogged sinus passages kaya naman hindi niya nasamahan ang kanyang mga anak sa Disneyland.


Makikita rin sa pagmumukha ni Kris Aquino ang kanyang kalungkutan at paghihirap sa paglalahad ng kanyang sitwasyon patungkol sa kanyang mga iniindang sakit.


Humingi rin si Kris Aquino ng gabay mula sa kanyang ina na isa umano sa kanyang mga inspirasyon upang patuloy na labanan ang kanyang karamdaman dahil sa pagiging matapang rin nito sa pagharap noon sa naging karamdaman nito.


Ayon kay Kris Aquino, patuloy umano siyang lumalaban dahil nakita niya noon sa kanyang ina ang pagiging matapang sa pagharap at pag endure sa lahat ng mga procedures, chemotherapy, radiation at iba pa dahil alam umano nitong kailangan pa siya ng kanyang mga anak.


Hiling ni Kris na sana ay mabigyan siya kahit 20% lamang ng tapang ng kanyang ina dahil nahihirapan na umano siyang maging matatag.


Matatandaan na noong January 21 nagbigay rin ng update si Kris Aquino hinggil sa pag-uwi ni Bimby Aquino sa bansa pagkatapos ng kanyang birthday dahil kailangan na umano nitong magtrabaho dahil sa patuloy na paglaki ng kanyang mga medical bills.


Sa kanyang ibinahaging update, inamin ni Kris Aquino na nagsanga-sanga na ang kanyang mga karamdaman at tila lumalala na ang kanyang nararamdamang sakit. Inamin din ni Kris Aquino na nadagdagan naman ang kanyang autoimmune disease ng Lupus.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo