Lolit Solis, Binalaan si Kay Kyline Alcantara sa PANDADAWIT nito kay Paolo Contis

Lunes, Enero 29, 2024

/ by Lovely


 Binalaan ng veteran showbiz columnist at talent manager na si Lolit Solis ang Kapuso actress na si Kyline Alcantara matapos nitong idawit sa hiwalayan nila ni Mavy Legaspi ang kanyang alaga na si Paolo Contis.


Tila naging beast mode ang talent manager na si Lolit Solis dahil sa mga nakakarating sa kanya na mga panibagong isyu patungkol kay Paolo Contis. Binalaan din niya ang Kapuso actress na si Kyline Alcantara, dahil sa pandadamay umano nito sa kanyang alaga sa nangyaring hiwalayan nila ni Paolo Contis.


Kumakalat ngayon sa social media ang isyung naging bad influence umano itong si Paolo Contis sa kanyang co-host na si Mavy Legaspi na naging dahilan kung bakit nauwi sa hiwalayan ang relasyon nito kay Kyline Alcantara.


Samantala sa kamakailang Instagram post ni Lolit Solis, inilahad niya ang kanyang sama ng loob kay Kyline Alcantara at mga fans nito dahil dinadawit na naman sa isyu ang kanyang alagang si Paolo Contis. Pinabulaanan din niya ang involvement ni Paolo sa nangyaring hiwalayan ng dalawa.


Ibinahagi ni Lolit Solis sa kanyang post ang larawan ni Paolo Contis kalakip ang mahabang caption, inamin niyang uminit ang kanyang ulo nang marinig niya ang tsikang dawit ang pangalan ni Paolo Contis sa nangyaring hiwalayan nina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi.


Ayon sa nakarating kay Lolit Solis, nakipaghiwalay umano si Kyline Alcantara kay Mavy Legaspi dahil sa paiging bad influence ni Paolo Contis. Inilahad din ni Lolit Solis na dismayado siya sa mga taong nagba-bad mouth sa mga dating nakarelasyon pagkatapos ng hiwalayan.


Nararapat lamang kasi umano na kapag naghiwalay na ay tanggapin na lamang ang lahat at mag-move on dapat ay wala na umanong bad blood. 


Binantaan rin niya si Kyline Alcantara kung saan inilahad niyang ayaw niyang makipag-away rito subalit kapag malaman niyang totoo ang mga naririnig niyang mismong sa bibig ni Kyline Alcantara nagmula ang mga paninira laban kay Paolo Contis ay makikita niya ang hinahanap.


Iginiit pa ni Lolit Solis na handa naman siyang tanggapin ang mga kamalian ng kanyang mga alaga kung totoo ang mga ito subalit kung sinisiraan lamang umano ang mga ito ng walang basehan ay hindi umano siya uurong sa labanan.


Pinaalalahanan din ni Lolit Solis si Kyline Alcantara na huwag na nitong idamay si Paolo Contis sa mga hanash nito kay Mavy Legaspi. Kung may problema umano sila ni Mavy Legaspi ay dapat niya itong isettle sa aktor na walang dinadamay na ibang tao.


O makikisali na umano siya sa isyu upang ipagtanggol si Paolo Contis bilang nanay at manager nito. Hiling din niya na sana ay maging fair naman sa lahat si Kyline at huwag siraan ang mga taong inosente.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo