Kylie Padilla Inamin Na Ang Totoong Relasyon Niya Kay Jinno John Simon

Huwebes, Enero 25, 2024

/ by Lovely

Nagbigay na ng pahayag ang aktres na si Kylie Padilla patungkol sa estado ng kanyang lovelife ngayon, inamin na rin niya ang totoong relasyon nila ni Jinno John Simon, ang lalaking kasama niya at ka-holding hands sa isang mall.


Laman ngayon ng mga usap-usapan sa social media ang aktres na si Kylie Padilla matapos ang kanyang pag-amin sa totoong relasyon nila ng lalaking nakasama niya sa isang shopping mall.


Ayon sa pag-amin ni Kylie Padilla na ang lalaking nakasama niya ay walang iba kundi ang lalaking nagpapasaya sa kanyang puso. Inamin ito ni Kylie sa isang TikTok video ni Francis Simon, na isang celebrity fitness coach.


Mapapanood sa nasabing TikTok video na diretsahang tinanong ng fitness coach si Kylie Padilla tungkol sa hindi pinapangalanang lalaki na nakitang kasama niya sa isang shopping mall.


Natatawang sinagot naman iyon ni Kylie Padilla at doon na inaming ang lalaking nakasama niya ang kasalukuyang nagpapasaya sa kanyang puso. Pabiro pang dagdag ni Kylie Padilla na tila kamukha ni Francis ang lalaki.


Makikita rin sa nasabing video na naroon sina Kylie Padilla at Francis sa Vimana tattoo. Nauna nang napag-alaman ng mga netizens na ang lalaking kasa-kasama ni Kylie Padilla sa shopping mall ay isang may-ari ng tattoo shop na nagngangalang Jinno John Simon.


May nagtanong pa kung magkaano-ano sina Francis Simon at Jinno John Simon dahil pareho sila ng apilyedo. Kaagad namang umamin si Francis na magkapatid silang dalawa.


Marami naman sa mga tagahanga ng aktres ang natutuwa ngayon dahil sa wakas ay ipinakilala na ni Kylie Padilla kung sino ang lalaking nagpapaligaya sa kanyang puso base sa naging rebelasyon niya sa TikTok video.


May mga nagsasabi pa na tila mas masaya ngayon si Kylie Padilla na ang kanyang nahanap ay isang non-showbiz partner.


Matatandaan na naging usap-usapan si Kylie Padilla matapos siyang mamataan sa isang mall na kasama ang isang lalaking pinaghihinalaang ang nobyo nito.


Pinaghihinalaan din ng ilang mga netizens na lalaking kasama ni Kylie Padilla sa mall ay siya ring lalaki na nakasama niya noon sa pagbabakasyon niya sa bansang Thailand, mahigit isang taon na rin ang nakakalipas.



@fjtsimonthemafia Ano daw @Kylie Padilla 🐍 ♬ original sound - fjtsimon

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo