Daniel Padilla Napaamin Sa Sobrang Kalasingan Si Kathryn Parin, Gustong Makipagbalikan

Huwebes, Enero 25, 2024

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang mga haka-hakang napaamin umano ang aktor na si Daniel Padilla matapos itong malasing kung saan inamin niyang hanggang ngayon ay mahal pa rin umano niya ang aktres na si Kathryn Bernardo at umaasa siyang babalikan pa rin siya nito.


Makikita naman sa ilang mga kumakalat na larawan ngayon na tila hindi pa rin makalimot magpahanggang ngayon si Daniel Padilla at bitter pa rin siya sa paghihiwalay nila ni Kathryn Bernardo.


Tila hindi pa rin umano matanggap ngayon ng aktor na nagtapos na ang sa kanila ni Kathryn Bernardo habang ang aktres naman ngayon ay makikitang ini-enjoy na ang kanyang kalayaan at pagiging single kasama ang ilan sa malalapit niyang mga kaibigan.


Nasusuot na rin ngayon ng aktres ang mga gusto niyang kasuotan at nagagawa na rin niya ang mga bagay na ipinagbabawal sa kanya noon ni Daniel Padilla. Dahil dito, nararamdaman ng ilang mga tagahanga ni Kathryn Bernardo ang saya para sa aktres dahil sa wakas ay nakalaya na ito mula sa pagbabakuran ni Daniel Padilla.


Samantala, sa kabila ng pagpapakita ngayon ni Daniel Padilla ng kagustuhang balikan muli ang aktres at suyuin ito, marami sa mga netizens ang nagpapayo kay Kathryn Bernardo na huwag nang balikan pa si Daniel.


Maging ang mga common friends umano nila ay hindi tumutulong kay Daniel Padilla na makausap muli ang aktres kahit pa nagmamamakaawa na umano ito.


Makikita rin na kahit naging civil noon si Kathryn Bernardo kay Daniel Padilla sa ilang mga gatherings at events na pinagsamahan nila na malamig na ito sa aktor.


Sa kabilang banda, hindi pa rin nawawala ang inis ng dating solid KathNiel fans, dahil maski umano sila ay naloko rin sa mga sweet gestures ni Daniel Padilla kay Kathryn Bernardo noon na inakala nilang totoo.


May mga nagsasabi pa na hindi na umano sila nakaramdam ngayon ng kilig sa mga dating videos nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla dahil nalaman na umano nila ang totoong baho ng aktor.


Samantala, may mga kumakalat naman ngayong isyu na umano'y araw-araw na naglalasing si Daniel Padilla at ipinagsisigawan kung gaano niya kamahal si Kathryn Bernardo. Nagsisisi na rin umano ito sa mga ginawa niyang kalokohan noon.


Subalit tila huli na ang lahat dahil maging ang mga dating fans ng aktor ay nawalan na ng amor rito at sinasabihang huwag nang umasa pang babalik sa kanya si Kathryn Bernardo dahil makikita naman kung gaano kasaya ngayon ang aktres nang hindi na siya kasama at sa pagiging single.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo