Kathryn Bernardo Nakatangap ng Pambabatikos Dahil Sa Pagiging Lasinggera

Huwebes, Enero 25, 2024

/ by Lovely


 Umaani ng samu't-saring komento at reaksyon mula sa mga netizens ang ilang mga larawan at videos na kumakalat ngayon sa social media patungkol sa mga ginagawa ngayon ng Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo matapos ang kanilang hiwalayan ni Daniel Padilla.


Nakakatanggap ngayon ng pambabatikos ang award-winning actress na si Kathryn Bernardo mula sa mga netizens at ilang mga tagahanga dahil sa paglalasing nito. Ayon pa sa ilang mga tagahanga ng aktres na hindi na umano maganda ang nakukuhang impluwensya ni Kathryn Bernardo mula sa kanyang mga kaibigan.


Marami ang naiinis habang nag-aalala naman ang ilan dahil sa mga pinagagawa ngayon ng aktres. Marami ang nakapansin na tila palaging naglalasing ang aktres mula nang maghiwalay sila ni Daniel Padilla.


Marami rin ang nagsasabi na hindi nakatulong kay Kathryn Bernardo ang ilang mga kaibigan niyang celebrities na nakakasama niya ngayon dahil sa mga kumakalat na larawan at videos na hindi na umano kaaya-aya.


Pinangalanan pa ng mga netizens kung sino sa mga kaibigan ng aktres ang itinuturi nilang bad influence para rito particular na sina Alora Sasam at Sofia Andres.


Samantala, isa rin ang isyung ito sa mga napag-usapan nina Cristy Fermin sa latest episode ng Cristy Ferminute kung saan naitanong ni Cristy Fermin kung may kaugnayan ba ang mga kaibigan ni Kathryn sa mga negatibong balita na lumalabas ngayon patungkol sa aktres.


Ayon kay Cristy Fermin, hindi naman umano nararapat na sabihin na masamang impluwensya kay Kathryn Bernardo sina Alora Sasam at Sofia Andres lalo pa't hindi naman umano nila kilala sa personal ang mga ito.


Tila naiintindihan rin naman umano ni Cristy Fermin ang ginagawa ngayon ni Kathryn Bernardo dahil tila ngayon lamang nagsisimula ang aktres na i-enjoy ang pagiging single.


Ayon naman sa kasamahan ni Cristy Fermin na si Romel Chika, nag-ugat ang mga negatibong komento patungkol kay Kathryn Bernardo sa mga isinisiwalat nitong larawan at videos sa social media kung saan ibinabahagi nito ang mga bagay na dating hindi niya nagagawa noong sila pa ni Daniel Padilla.


Iba naman umano ang naging interpretasyon ng mga netizens sa mga ipinapakita ngayon ng aktres dahil marami ang nag-iisip na nagwawala ito at nagrerebelde mula nang aminin nila ni Daniel Padilla sa lahat ang kanilang paghihiwalay.


Sa ngayon ay may kumakampi na rin kay Daniel Padilla at naghinalang may iba pang kwento ang nasa likod ng hiwalayan nilang dalawa ni Kathryn Bernardo.


Nagbigay naman ng payo si Cristy Fermin para kay Kathryn Bernardo, inilahad niyang sana ay hindi na umano ibinabahagi ng aktres sa kanyang mga social media account ang mga larawan niyang nakabikini habang hawak ang bote ng alak kung ayaw nitong makatanggap ng mga negatibong komento mula sa mga netizens.



@ingridhannah28 #kathrynbernardo #fypシ #foryou #kathrynbernardoupdate ♬ original sound - Ingrid Hannah Arcino

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo