Kris Aquino Kailangan Ng Mas Malaking Pera Para Sa Pagpapagamot, Kita Ng Negosyo Hindi Na Sapat

Biyernes, Enero 26, 2024

/ by Lovely


 Hanggang ngayon ay nalulungkot pa rin ang mga kaibigan at mga tagahanga ng Queen Of All Media na si Kris Aquino dahil sa paglala ng kalagayan nito dala ng kanyang mga karamdaman.


Lalo pang ikinagulat ng kanyang mga tagahanga ang pag-amin niyang uuwi na sa Pilipinas ang kanyang bunsong anak na si Bimby dahil kailangan na nitong magtrabaho ngayong lumalaki na rin ang kanyang medical bills.


Kailanman ay naging bukas naman si Kris Aquino sa publiko, patungkol sa pagsisiwalat niya sa kanyang mga karamdaman at kasalukuyang kalagayan habang nagpapagamot sa Amerika.


Sa naging post ni Kris Aquino, inamin niyang may panibago na namang siyang autoimmune disease na nasa early stage pa lamang, ang sakit na ito ay kilala sa tawag na Lupus.


Isa sa mga sintomas nito ang mga nakikitang butterfly rashes na makikita sa mukha ng aktres sa kanyang mga ibinahaging larawan. Bukod pa rito, inamin rin ni Kris Aquino na nakakaranas siya ngayon ng matinding headache at nawalan na rin siya ng ganang kumain.


Dahil dito, muling bumagsak ang kanyang timbang sa ngayon ay pinapayuhan umano siya ng kanyang mga doktor na kumain ng mga solid foods upang maiwasan niya ang ilang pang komplikasyon na maaring makapagpahina sa kanya.


Ayon naman sa pagsisiwalat ni Kris Aquino, kinailangan na umanong magtrabaho ngayon ni Bimby sa mundo ng showbiz dahil palaki na umano ng palaki ang kanyang gastos sa pagpapagamot na hindi niya inaasahan umabot sa ilang taon.


Ayon pa kay Kris Aquino, uuwi si Bimby sa Pilipinas pagkatapos ng kanyang birthday sa darating na February 14, 2024.


Marami naman sa mga tagahanga ni Kris Aquino ang nagsasabi na mabuti umanong magtrabaho na ngayon si Bimby upang matuto na itong tumayo sa sarili niyang mga paa habang maaga pa.


Hiling rin ng marami na sana ay manumbalik ang lakas at sigla ni Kris Aquino upang makasama pa niya ng matagal ang kanyang mga anak.


May ilang mga netizens naman ang hindi makapaniwala sa ipinahayag ni Kris Aquino na ang dahilan sa pagtatrabaho ni Bimby ay ang pangangailangan nila ng pera para matustusan ang kanyang pagpapagamot.


Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng lahat na si Kris Aquino ay nagmula sa mga angkan ng mayayamang negosyante sa Pilipinas. Bukod pa rito, marami na ring mga negosyong naipundar si Kris Aquino sa kanyang pagtatrabaho ng mahabang panahon sa mundo ng showbiz.


Sa kabila naman ng mga pinagdadaanan ngayon ni Kris Aquino, hindi pa rin niya naiisipan na sumuko alang-alang sa kanyang mga anak at taong nagmamahal sa kanya.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo