Karla Estrada, Tinutulunggan Si Daniel Padilla Maka-Move-on Kay Kathryn Bernardo

Huwebes, Enero 25, 2024

/ by Lovely


 Isiniwalat ni Direk Darryl Yap na personal na tinutulungan ng celebrity mom na si Karla Estrada ang kanyang anak na si Daniel Padilla na makapag-move on mula sa masalimoot na paghihiwalay nila ni Kathryn Bernardo.


Sa isang pahayag, isiniwalat ni Direk Darryl Yap ang paraan ng actress-host na si Karla Estrada sa pagtulong sa kanyang anak na si Daniel Padilla para makapag-move on sa nasawing pagmamahalan nila ni Kathryn Bernardo.


Ipinahayag itong lahat ni Direk Darryl Yap sa kanyang Facebook posts, kamakailan lamang umano ay nakausap niya si Karla Estrada at ipinahayag mismo nito sa kanya kung paano niya tinutulungan ang kanyang anak na makapag-move on mula kay Kathryn Bernardo.


Ayon pa kay Darryl Yap nang magkasama sila ni Karla Estrada ay hindi umano nito alam na naging kontrobersiyal isyu na pala ang pagbibinta niya ng bahay.


Pagsisiwalat pa niya na sinamahan lamang siya ni Karla Estrada na tumingin ng mga bahay sa south, kalaunan ay nakapagbili na sil ang property.


Marami naman umano silang napag-usapan subalit ang naging sentro ng usapan nila ay ang patungkol sa hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. 


Inamin rin umano ni Karla Estrada na ginagawa niya ang lahat ng paraan na alam niya para maghilom ang sugat sa puso ni Daniel Padilla dahil kay Kathryn Bernardo.


Samantala, hindi na umano tinanong ni Darryl Yap kay Karla Estrada ang patungkol sa isyung malaki  ang utang na loob nila sa pamilya ni Kathryn Bernardo. Bukod pa rito, alam naman umano ni Darryl Yap na imposibleng paghihirap sa pera ang dahilan ng pagbibibenta ng mga ari-arian nila ni Karla Estrada.


Bagama't hindi naman umano sila madalas na magkasama, alam umano niyang walang money struggles si Karla Estrada at napaka-imposible umano na mangyari ito.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo