Billy Crawford, Nagbalik Sa It's Showtime For Good Na

Miyerkules, Enero 31, 2024

/ by Lovely


 Muling nagbabalik sa It's Showtime stage ang TV-host na si Billy Crawford sa pagkakataong ito, para makipag-celebrate sa kaarawan ni Vhong Navarro.


Nakasama naman ni Billy Crawford ang iba pang myembro ng Kanto Boys na sina Luis Manzano, Joshua Garcia, at Pepe Herera  para maging representative ni John Lloyd Cruz.


Dapat ay kumpleto sana ang mga Kanto Boys subalit may hindi inaasahang pagbabago sa schedule ni John Lloyd Cruz kaya hindi ito nakapunta.


Matapos naman ang kanilang performance, inamin ni Billy Crawford na nami-miss niya ang pagpeperform sa stag ng It's Showtime at ilang taon na rin umano siyang hindi nakakapag-Billy Vhong.


Inamin rin ni Billy Crawford na labis niyang namimiss si Vhong Navarro. Binalikan pa niya ang pagsisimba nila noon ni Vhong Navarro habang nasa ibang segment ang It's Showtime at ang mga ginawa nilang magkasama noon.


Pinasalamatan din niya si Vhong Navarro sa mga experiences nilang pinagsamahan at sa masasayang araw nila sa It's Showtime. Pinasalamatan rin ni Billy Crawford sa pagiging kind at humble nito.


Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nakabalik si Billy Crawford at nakapagperform sa It's Showtime, matapos ang pag-alis niya bilang isa sa mga hosts nito noong 2018 upang matutukan ang pagsisimula nila ng pamilya ni Coleen Garcia.


Nagkaroon naman sila ng hindi pagkakaunawaan ni Vice Ganda nang pumasok si Billy Crawford sa katapat na show na Lunch Out Loud na kalaunan ay naging Tropang LOL.


Nagkapalitan pa sila noong ng mga masasakit na salita at nagbanatan dahil sa pagkakatapat ng kanilang mga shows.


Subalit, noong November ikinagulat ng maraming madlang pipol ang pagiging guest ni Billy Crawford sa It's Showtime bilang guest ni Vice Ganda sa Magpasikat 2023 segment.


Nilinaw naman noon ni Vice Ganda na nagkapatawaran na silang dalawa at ipinahayag kung paano nilang nasaktan ang isa't-isa dahil sa nangyari.


Marami naman sa mga fans ni Billy Crawford ang humihiling na sana ay mabigyan ng ito ng pagkakataon na makabalik bilang hosts ng It's Showtime, dahil hindi naman umano maitatanggi na talagang maganda ang tandem nila noon ni Vhong Navarro.


Matatandaan na nauna nang isiniwalat na Billy Crawford sa isang panayam na open siya na muling makabalik sa It's Showtime sakaling mabigyan siya ng pagkakataon.


@abscbnpr #BillyCrawford and #VhongNavarro reunion! #BillyVhong #SineMoTo #ItsShowtime #birthday #production #reunion #abscbn #kapamilya #kapamilyaforever #tv #reunite #friends #abscbn #kapamilya #kapamilyaforever #fyp #foryou #foryoupage ♬ original sound - ABS-CBN PR

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo