Kim Chiu, May Inamin Patungkol Sa Kanyang Mga Nakaraang Relasyon

Huwebes, Enero 25, 2024

/ by Lovely


 Sa kabila ng mga pinagdadaanang kabiguan ng aktres na si Kim Chiu sa kanyang lovelife, nananatiling positibo ang pananaw ni Kim Chiu sa pag-ibig.


Ipinahayag ng award-winning actress-TV host na si Kim Chiu na hindi niya isinasara ang kanyang puso sa panibagong pag-ibig. Handa pa rin umano ang aktres na pumasok sa isang panibagong relasyon at magmahal ng iba.


Ayon sa pag-amin ng aktres, hindi pa man umano siya handa sa ngayon na pumasok sa isang pag-ibig baka sa mga darating na buwan at taon ay matagpuan rin niya ang lalaking magbibigay ng pagmamahal na nararapat para sa kanya.


Naniniwala rin umano ang aktres na hindi dapat pinipigilan ang magmahal dahil ang love ay darating in all forms.


Matatandaan na kamakailan lamang ay inamin ng aktres na si Kim Chiu na nagtapos na rin ang 12 years na relasyon nila ni Xian Lim.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng mga netizens na si Xian Lim ang second boyfriend ni Kim Chiu na nakarelasyon nga niya sa loob ng 12 years. Ang unang boyfriend naman niya ay si Gerald Anderson na nakarelasyon naman niya sa loob ng apat na taon.


Inihayag rin ni Kim Chiu na wala naman siyang pinagsisisihan sa mga naging relationship niya kahit tila nasayang lamang ang kanyang panahon sa mga ito dahil nauwi rin lamang sa hiwalayan ang lahat.


Aminado naman ang aktres na na-Linlang rin siya sa pag-ibig, naniniwala naman siyang lahat ay nalinlang na rin ng pag-ibig dahil nagmahal lamang siya.


Samantala, matunog na pinag-uusapan ngayon sa social media ang pinaghihinalaang relasyon ng dalawang Linlang stars na sina Paulo Avelino at Kim Chiu. Gayunpaman, nanatiling tikom ang mga bibig nila patungkol sa mga nasabing isyu.


Hiindi rin naman ito natanong ng diretsahan sa kanila noong press conference ng Linlang the teleserye version.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo