Ipinakita na nina Pauleen Luna ang kabuuang mukha ng kanilang bunsong anak ni Bossing Vic Sotto na kamakailan lamang ay isinilang niya sa mundo.
Naging matagumpay ang panganganak ni Pauleen Luna sa kanilang ikalawang anak ni Vic Sotto na tinatawag nila si Baby Mochi. Pinangalanan nila ang kanilang baby na si Thia Marceline Sotto.
Sa mga ibinahaging larawan ni Pauleen Luna makikitang may buhok na kaagad ang anak nila ni Vic Sotto. Kapansin-pansin rin na ang pagkakahawig nito kay Bossing na labas na ikinatuwa ng huli.
Samantala, marami naman ang nagsasabi na tiyak na susunod sa yapak ng kanyang mga magulang si Baby Mochi, bilang mga kilalang personalidad sa showbiz industry.
Hindi naman kinalimutan ni Vic Sotto na magpasalamat sa Panginoon at ang mga taong nagdarasal para sa ligtas at matagumpay na panganganak ng kanyang asawa na si Pauleen Luna.
Nagpapasalamat rin si Vic Sotto sa mga doktors na tumulong sa kanyang asawa para mailabas ng maayos ang bunsong anak nila ng kanyang misis.
Nauna nang inamin ni Pauleen Luna na isinilang niya ang ikalawang anak nila ni Vic Sotto sa pamamagitan ng Cesarean section na naging matagumpay naman dahil pareho silang ligtas ng anak nila ni Vic Sotto.
Ipinahayag naman ng mga kasamahan nilang Dabarkadz ang kanilang tuwa ng makita kahit sa picture lamang ang anak nina Bossing Vic Sotto at Pauleen Luna. Ipinahayag rin nila ang kanilang kagustuhan na ma-meet in person si Baby Mochi.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!