Katotohanan Sa Isyung Paglipat Ni Kathryn Bernardo Sa Agency Ni Maja Salvador

Miyerkules, Enero 24, 2024

/ by Lovely


 Naging laman ng mga usap-usapan sa social media matapos ang pag-amin nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na maaring iwan ng aktres ang Star Magic at ang ABS-CBN upang maiwasan ang dating nobyo na si Daniel Padilla.


Kumakalat rin ngayon sa social media ang isyung lilipat na si Kathryn Bernardo sa talent management nina Rambo Nunez at Maja Salvador, ang Crown Artist Management.


Usap-usapan pa ang maraming natatanggap na offers ngayon ng aktres mula sa ibang mga networks na nais itong sulutin mula sa pangangalaga ng Star Magic at ABS-CBN.


Samantala, nauna nang nilinaw ng ina ni Kathryn Bernardo na si Min Bernardo na walang katotohanan ang chismis na kumakalat ngayon sa social media patungkol sa pag-alis ng kanyang anak sa ABS-CBN.


Sa isang panayam, pinagdidiinan ni Min Bernardo na hindi aalis si Kathryn Bernardo sa bakuran ng ABS-CBN at mananatili ito sa Kapamilya network.


Naunang kumalat ang isyu na may posibilidad na aalis ng management si Kathryn Bernardo nang aminin nila ni Daniel Padilla ang kanilang paghihiwalay. 


Lalo naman itong umingay nang magbahagi ng post ang Crown Artist Management kung saan inilahad nilang may pasabog silang hinahanda patungkol sa mga panibagong artista na kanilang ima-manage.


Sa kabilang banda, may mga naniniwala naman baka magpapalit lamang ng panibagong talent management si Kathryn Bernardo at aalis na ito sa Star Magic subalit mananatili pa rin ito bilang isang Kapamilya dahil ito na ang naging tahanan niya magmula nang mag-umpisa ang kanyang showbiz career.


Sa ngayon ay naghahanda na umano ang aktres na si Kathryn Bernardo para sa taping ng kanyang historical movie na pinamagatang Elena 1944.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo