Kapatid Ni Daniel Ibinunyag Kung Gaano Ka-Alcoholic Si Kathryn Bernardo

Huwebes, Enero 25, 2024

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang reaksyon ng kapatid ni Daniel Padilla na si Magui sa kumakalat na larawan ni Kathryn Bernardo na ini-enjoy ang pagiging single.


Sa mga kumakalat na larawan ngayon ni Kathryn Bernardo makikita ang kanyang pag-eenjoy sa pagbabakasyon niya sa Kalatagan Batangas kasama ang ilan sa kanyang malalapit na kaibigan.


Marami naman ang nakapansin na tila lumabis naman umano ang pag-iinom ni Kathryn Bernardo. May mga nagsasabi na halata na umano sa mga kumakalat na larawan na lasing na ang aktres subalit ang lakas pa rin nitong uminon.


Ayon naman umano sa kapatid ni Daniel Padilla na si Magui, noon pa man ay sinisita na ng kanyang kapatid ang pag-iinom ni Kathryn Bernardo dahil nag-aalala ang kanyang kapatid sa maaring kahihinatnan ng pagiging alcoholic nito.


Isiniwalat din nito na talagang mataas ang alcohol tolerance ni Kathryn Bernardo, gayunpaman ay hindi ito excuse para maglasing ito ng maglasing.


May mga naglabasan namang tsika na baka ang isa sa mga dahilan ng paghihiwalay nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ay ang bisyo ng aktres na paglalasing.


Kaagad namang rumesbak ang mga tagahanga ng aktres kung saan ipinunto nilang tao rin naman ang dalaga at may sariling buhay hindi naman umano porke't artista si Kathryn Bernsrdo ay hindi na ito maaring mag-enjoy at gawin ang kanyang gusto.


Hindi rin nagustuhan ng mga fans ng actress ang ginawang panghihimasok umano ng kapatid ni Daniel Padilla dahil deserve naman umano ng kanilang idolo na magkaroon ng kalayaan. Nasa tamang edad na rin naman umano ito at kaya nang magdesisyon sa kanyang sarili.


Sa ngayon ay nanatiling unbothered si Kathryn Bernardo sa mga isyung ibinabato sa kanya mula nang aminin niya ang hiwalayan nila ni Daniel Padilla at ang pag-unfollow niya rito sa kanyang Instagram account.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo