Liza Soberano Niligawan Pala Noon Daniel Padilla Kaya In-unfollow Siya Ni Kathryn!

Miyerkules, Enero 24, 2024

/ by Lovely


 Patuloy pa ring naglabasan sa social media ang mga haka-haka at speculations patungkol sa totoong dahilan kung bakit in-unfollow ni Kathryn Bernardo ang aktres na si Liza Soberano.


May mga naglabasang chika na niligawan umano noon ni Daniel Padilla si Liza Soberano na huli nang malaman ni Kathryn Bernardo na lumalabas palang siya ay isang panakip butas lamang.


Ikinagulat ng mga netizens ang pag-unfollow ni Kathryn Bernardo sa kanyang ex-boyfriend na si Daniel Padilla matapos ang mahigit isang buwan mula nang kumpirmahin niya sa publiko ang kanilang paghihiwalay.


Ikinagulat ito ng maraming mga tagahanga ng KathNiel, dahil buong akala nila na maayos ang naging paghihiwalay ng dalawa at napapatanong sila kung bakit ngayon lamang in-unfollow ni Kathryn Bernardo sa kanyang Instagram account ang aktor.


Bukod kay Daniel Padilla, in-unfollow rin ni Kathryn Bernardo ang mga aktres na sina Gillian Vicencio, Liza Soberano at Julia Barretto. 


Naiintindihan naman ng ilang mga netizens ang pag-unfollow ni Kathryn Bernardo kay Gillian Vicencio dahil sa isyung lumabas noon patungkol sa naging relasyon umano nina Daniel at Gillian.


Dahil dito may mga naglabasang isyu kung saan sinasabing kabilang sa mga naging crush noon ni Daniel Padilla si Julia Barretto, nagtangka rin umano manligaw rito ang aktor subalit binasted lamang ito ni Julia Barretto.


Tungkol naman kay Liza Soberano, matatandaan na nagkasama noon sina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla at Liza Soberano sa iisang project. May mga naglabasan ring ulat noon na binabalak ng management na ipagtambal sina Liza Soberano at Daniel Padilla.


Subalit hindi na umano ito natuloy dahil mas sumikat ang tambalan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.


May mga ulat rin noon na sinasabing nagtatangkang manligaw si Daniel Padilla kay Liza Soberano noon subalit binasted rin umano ito ng aktres dahil abala pa noon si Liza Soberano sa pagpapasikat sa kanyang sarili.


Bukod pa rito, natatakot rin umano ang aktres na baka kuyugin siya noon ng mga fans ng KathNiel dahil nagsisimula na ring sumikat ang dalawa.


Dahil dito, iniisip ng ilang mga netizens na baka nagseselos lamang umano si Kathryn Bernardo kay Liza Soberano kaya i-unfollow niya ang aktres.


Samantala, may ilang mga netizens naman na nanawagan kay Kathryn Bernardo na linawin na ang lahat ng mga isyung naglabasan ngayon o kahit ang dahilan na lamang ng paghihiwalay nila ni Daniel Padilla upang matigil na rin ang kanyang fans sa pandadawit sa pangalan ng iba pang mga artista na pinaghihinalaang sangkot sa nangyaring hiwalayan nilang dalawa.


May mga nagsasabi rin na marami na ang nadadawit dahil sa pagiging pa-victim nito at hindi na laman ilabas sa lahat ang totoong kaganapan para matigil na ang isyu.






Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo