Claudine Barretto Napaiyak Ng Mabash Dahil Sa Kanyang Katawan!

Martes, Enero 23, 2024

/ by Lovely


 Marami sa mga fans ng aktres na si Clauddine Barretto ang nalulungkot dahil tila kailangan naman nitong magpaliwanag sa publiko patungkol sa nangyayari sa katawan nito.


Umani ng pambabatikos ang kamakailang video ni Claudine Barretto na ibinahagi niya sa kanyang Instagram account kung saan makikitang pinapasalamatan niya ang kanyang mga jewelry sponsors.


Napansin kasi ng maraming mga netizens ang pagpayat ngayon ng aktres may mga bumatikos naman sa saggy skin nito sa may bandang braso.


Kaagad namang nagpaliwanag si Claudine Barretto kung saan nilinaw niya ang dahilan ng pagkakaroon niya ng saggy skin na aniya ay normal naman dahil nabawasan siya ng malaking timbang.


Hindi rin umano siya nagpa-lipo at pinaghirapan niya ang kanyang pagbabawas ng timbang kaya naman normal lamang na may mga saggy skins siya na mawawala lamang kung magpapalipo siya ulit.


Inamin din ni Claudine na nakapagpalipo na siya noong nanganak siya subalit hindi umano ngayong nabawasan siya ng 84 pounds.


Marami naman sa mga fans ng aktres ang nalungkot kung bakit kailangan pa nitong magpaliwanag gayung katawan naman niya ito. Nakakadismaya rin umano ang ilang mga netizens na iniisip na perpekto dapat ang mga celebrities.


may mga nagpaalala pa na tao lang din naman ang mga ito at nasasaktan rin sa mga natatanggap nilang pambabatikos mula sa kanilang mga bashers.


Samantala, nagpapasalamat naman si Claudine Barretto sa mga taong hindi siya hinusgahan dahil lamang sa pagkakaroon niya ng saggy skins.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo