It's Showtime Nakatanggap ng Warning Mula sa GMA Management

Martes, Enero 30, 2024

/ by Lovely


 Ibinunyang ng kilalang talent manager at showbiz insider na si Ogie Diaz ang dahilan kung bakit hindi pinipromote ni Kim Chiu ang kanilang teleseryeng Linlang sa noontime show na It's Showtime.


Sa isang episode ng Showbiz Update vlog nina Ogie Diaz, Mama Loi at Tita Jegz napag-usapan nila ang dahilan kung bakit hindi binabanggit ni Kim Chiu ang teleserye niyang Linlang.


Ayon kay Ogie Diaz, kaya hindi maaring banggitin ni Kim Chiu ang kanyang teleserye dahil umiere sa GTV ang It's Showtime, na isang subsidiary channel ng GMA7 na may sarili ring teleserye na katapat ng Linlang.


Dagdag pa ni Ogie Diaz na ito ang limitations ng It's Showtime pagdating sa pagpopromote ng iba nilang projects under ABS-CBN. Ito umano ang dahilan kaya hindi maaring ipromote ni Kim Chiu sa kanilang show ang kanyang teleserye kahit gustuhin pa niya.


Ibinunyag pa ni Ogie na Diaz na nakakuha umano ng warning ang It's Showtime mula sa pamunuan ng GMA Network dahil may pagkakataon umano na tila nakakalimutan ng mga hosts na umiere na rin sila sa GTV.


Matatandaan na sa isang nagdaang episode ng It's Showtime, binati ni Tiyang Amy Perez si Kim Chiu sa unang gabi ng pagpapalabas ng Linlang the teleserye version. Hinikayat pa nito ang mga madlang pipol na patuloy na panoorin at suportahan ang palabas na pinangungunahan ni Kim Chiu.


Tila nagulat naman rito si Kim Chiu at kaagad na binulungan si Tiyang Amy upang ipabatid rito na bawal nilang banggitin ang teleserye sa It's Showtime.


Marami naman sa mga netizens ang nadismaya dahil sa mga restrictions ni Kim Chiu gayung karapatan naman niyang ipromote ang teleseryeng pinagbibidahan.


Matatandaan na ang seryeng Linlang ay una nang lumabas sa Primevideos kung saan ito nakakuha ng mataas na rating. Sa kabila nito, marami pa rin sumusubaybay sa serye bilang pagsuporta kay Kim  Chiu.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo