Daniel Padilla Balak Ng Iwan Ang Pilipinas, Project Sa ABS-CBN Limitado

Huwebes, Enero 25, 2024

/ by Lovely


 Matapos makumpirmang mananatili sa Kapamilya network at Star Magic ng aktor na si Daniel Padilla, usap-usapan naman ngayon ang mga isiniwalat ng veteran showbiz columnist na si Cristy Fermin na umano'y magiging limitado ang kontrata ng aktor dahil nagbabalak itong manatili sa ibang bansa.


May kumakalat ring isyu na umano'y binibenta na ng aktor ang kanyang franchise sa isang sikat na fast food chain ng bansa.


Sa kamakailang episode ng showbiz vlog ng veteran showbiz columnist na si Cristy Fermin isiniwalat niya ang balitang nakarating sa kanya mula sa kanyang mga sources na umano'y gusto nang manirahan sa ibang bansa ni Daniel Padilla.


Bukod pa rito isiniwalat rin ni Cristy Fermin na nakarating rin sa kanya na hindi pa umano tapos si Daniel Padilla sa pagbibibenta ng kanyang mga naipundar at mga ari-arian na nakuha niya mula sa kanyang pagtatrabaho bilang artista sa loob ng mahigit 13 years.


Sa kamakailang episode ng Cristy Ferminute, inilahad ni Cristy Fermin na maging ang franchise business ni Daniel Padilla ay nais na rin nitong ibenta.


Sa pagsisiwalat ni Cristy Fermin, ipinarating umano ng kanyang ng kanyang mga sources na ipinagbibili na umano ni Daniel Padilla ang ilang mga negosyo nito kabilang na ang isang fast food restaurant nito na matatagpuan sa Tacloban, Leyte.


"Matapos po nating masaksihan yung pagbebenta ng sasakyan at ibinibenta na rin po yung unang bahay na kanyang naipundar mula nung sumikat siya," pahayag ni Cristy Fermin.


Dagdag pa niya, "Pati raw yung mga naipundar na negosyo, binibenta na rin pati raw yang kilalang-kilala na alam mo na, yung naipatayo nila sa probinsya, sa Tacloban ata yung food chain."


Ayon pa kay Cristy Fermin, sa pagkakaalam niya, ibinibenta umano ni Danie Padilla ang nasabing negosyo sa halagang 50 million pesos.


Bukod pa rito, napag-alaman rin ni Cristy Fermin na balak na ni Daniel Padilla na sa ibang bansa na manirahan. Dahil dito, marami ang naghinala na magiging limitado na lamang ang magagawang proyekto ni Daniel Padilla.


Hinala naman ng maraming mga netizens na baka isa umano ito sa paraan ni Daniel Padilla para sa wakas ay makapag-move on na rin siya sa nangyari sa kanila ni Kathryn Bernardo.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo