Kim Chiu May Bagong Manliligaw, Handa Na Nga Ba Si Kim Chiu?

Lunes, Enero 8, 2024

/ by Lovely


 Napapatanong ngayon ang ilang mga tagahanga ng actress- TV host na si Kim Chiu kung handa na nga ba itong magmahal ulit matapos ang failed relationship nila ni Xian Lim.


Nag-ugat ang katanungang ito nang lumabas ang mga bali-balitang balak umanong manligaw sa aktres ang kanyang co-star na si Jake Ejercito.


Marami naman sa mga netizens ang nagsasabi na kung maging handa naman si Kim Chiu na makipagrelasyon ulit ay hindi na rin naman masama kung si Jake Ejercito ang kanyang magiging nobyo dahil isa rin naman itong responsableng ama sa anak nila ni Andi Eigenmann.


Wala rin naman itong naging malalang isyu matapos ang pagkakalink at ang isyu nila noon ni Andi Eigenmann. Wala na rin naman siyang seryosong nakakarelasyon matapos kay Andi Eigenmann.


Bukod pa rito, mula naman sa maayos na angkan si Jake Ejercito at financially stable na rin naman ito kaya wala nang iisipin pa si Kim Chiu.


Matatandaan na pumatok rin ang digital series na huling pinagtambalan nilang dalawa dahil sa kakaiba nilang chemistry.


Samantala, may ilang mga netizens naman ang nagsasabi at nagpapayo kay Kim Chiu na huwag na muna itong magpadalos-dalos sa pagpasok sa isang relasyon. Dapat ay kilalanin na muna umano ng maayos ng aktres ang lalaking nanliligaw sa kanya para hindi na maulit ang nangyari noon sa kanila ni Xian Lim.


May ilang tagahanga pa ng akres ang nagsasabi na sana ay pumili naman si Kim Chiu ng isang non-showbiz boyfriend dahil hindi naman siya naging maswerte sa mga naging boyfriend niya na pawang kasamahan niya sa larangan sa pag-arte.


Dagdag pa ng ilan na baka naman ay katulad ng nangyari kay Angelica Panganiban na nakilala nito ang kanyang forever sa isang non-showbiz guy.


"No showbiz boyfriend for Kim please sana wag ipahintulot na taga showbiz ulit"


"Please Kim. Wait for the person that is not in showbiz. Word of advice. Huwag magnobyo nang mayrong pang nobya ang nangligaw sa ito."


"mas ok si Jake kaysa kay Paulo, hindi nagtatagal relasyon. Kawawa lang si Kim. kaya Kim at Jake na lang sana at mas guwapo.  Ang tanda na ni Paulo."




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo