Andrea Brilllantes Nagpakita Na Sa Publiko Matapos Madawit Sa Hiwalayan Ng Kathniel

Miyerkules, Disyembre 6, 2023

/ by Lovely


 Kauna-unahang pagkakataon, lumantad na sa publiko ang controversial Kapamilya actress na si Andrea Brillantes matapos madawit ang kanyang pangalan sa isyu ng hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.


Kamakailan lamang ay naging guest si Andrea Brillantes sa founding anniversary ng Nueva Ecija. Aminado naman si Andrea Brillantes na kinakabahan siya bago siya nagperform. Tila nag-aalangan ang akters dahil sa mga kinakaharap niya ngayong isyu.


Kaagad namang tumaas ang kilay ng mga KathNiel sa kung bakit kinakabahan si Andrea Brillantes kung totoong wala siyang kinalaman sa isyu ng hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel padilla,


Kalaunan ay tila nalimutan naman ni Andrea Brillantes ang kinakaharap niyang isyu sa KathNiel at masaya na lamang na nagpiperform sa harap ng mga fans na sumusuporta at naniniwalang wala siyang kinalaman sa isyu ng dalawa.


Sa ngayon ay patuloy pa ring nakakatanggap ng pambabatikos si Andrea Brillantes mula sa mga taong naniniwala na may kinalaman siya sa paghihiwalay nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla dahil sa biglaang pag-unfollow sa kanya ni Kathryn.


Makalipas ang ilang araw ay siya naman ang nag-unfollow kina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na lalong nagpalakas sa hinala ng mga netizens na  may kinalaman siya sa pinagdadaanan ng dalawa.


Sakabilang banda, marami pa rin naman ang mga fans ni Andrea Brillantes na naniniwalang walang kinalaman ang aktres sa naging hidwaan ng magdyowa. 


Naniniwala rin sila na hindi kailangan na maglabas ng pahayag at paliwanag ni Andrea Brillantes dahil lalabas lamang itong defensive. Ang nararapat umanong magbigay ng paliwanag at pahayag ay walang iba kundi si Daniel Padilla.


Siya naman umano itong lalaki kaya naman dapat siya ang luminis sa kanyang kalat at linisin na rin ang pangalan ni Andrea Brillantes.


Narito naman ang ilang mensahe ng mga fans ni Andrea Brillantes.


"Go...go lang miss andrea huwag mong pnsinin yang mga OA.fans ng kathniel bastat wala kang ginagawa sa idol nila hindi ka kakarmahin nyan tingnan mo tanggap2x ka ng mga tao hwag kang naniniwala sa mga sabi2x.


"gwin mong nararapat pra sa buhay at sa sarili mo.wala ka nman magagawa non sa hiwalayan nila.tanga cya humiwalay cya....tapos mang bintang2x sila.....problema na nila un labas ka don..sumiksi ka lalo idol ganda2x mo pa rin...hayaan mo kung anong sabihn nila saiyo basta ginagawa mong trabaho mo gnon lng un."



"si andrea maganda ang mukha at maganda ang katawa ky sabi n cristy walang binatbat ang kalaban."


Sa ngayon ay hindi pa rin naging malinaw para sa mga fans nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang totoong dahilan ng kanilang paghihiwalay matapos ang 11 years nilang relasyon.


Sa ngayon ay hindi rin malinaw kung magpapatuloy pa ba ang tambalang KathNiel kahit hindi na sila magkarelasyon sa totoong buhay.


Kasalukuyan namang nagbabakasyon ang aktres na si Kathryn Bernardo sa ibang bansa at hindi rin malinaw kung kailan ito magbabalik sa bansa. Tila magpapahinga na muna ito at mag-momove on.



Naiintindihan naman ito ng mga tagahanga ng aktres dahil hindi naman talaga madaling magmove on lalo na't matagal rin silang naging magkarelasyon ni Daniel Padilla.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo