Sharon Cuneta Nagsalita Sa Tunay Na Estado Ng Relasyon Nila Ni Kiko Pangilinan

Biyernes, Disyembre 29, 2023

/ by Lovely


 Matapos ang sunod-sunod na pagbabahagi ng Mega Star ng mga cryptic post at paniniwala ng mga netizens na on the rocks ang relasyon nila ni Kiko Pangilinan, nilinaw na ng aktres ang totoong estado ng kanilang pamilya bago ang Gabi ng Parangal sa MMFF 2023.


Matatandaan na marami ang nangamba sa mga post ni Sharon Cuneta dahil tila nagpapahiwatig umano ang Mega Star na may nagaganap na hindi pagkakaunawaan nila ni Kiko Pangilinan matapos ang kanilang 27 years na pagsasama.


Umani ng komento ang mga cryptic post ni Sharon Cuneta patungkol sa betrayal, pambabae, broken trust at iba pang mga hugot sa social media. Tila sinadya ring putulin ni Sharon ang ulo ni Kiko Pangilinan sa family picture nila na ibinahagi niya sa kanyang social media account noon araw ng pasko.


Sa kabila nito, may mga netizens naman na naniniwalang maayos pa rin ang samahan ng dalawa at sinasadya lamang umano ni Sharon Cuneta na magpost ng mga hugot at palabasin na may pinagdadaanan sila ni Kiko Pangilinan upang mapag-usapan siya sa social media at madamay na rin ang pelikula niya na kabilang sa mga entry ng Metro Manila Film Festival ngayong taon.


Noon pa man umano ay ginagawa na ito ni Sharon Cuneta ang kunwaring pagda-drama para makakuha ng simpatya sa mga netizens gayung wala naman umanong katotohanan ang lahat.


Tila nakumpirma naman ang spekulasyon ito ng mga netizens dahil tuluyan ng nilinaw ni Sharon na maayos naman ang pagsasama nila ni Kiko Pangilinan at ipinahayag pa ang kanyang pagmamahal rito.


Ayon pa kay Sharon Cuneta, na hindi perpekto ang kanilang pagsasama ni Kiko Pangilinan pero nalalampasan naman nila ang mga pagsubok sa kanilang buhay.


Sa katunayan ay nagkaroon umano sila ng LQ ni Kiko Pangilinan na umabot pa ng 6 months pero sa huli ay nagkasundo pa rin silang dalawa at okay na okay sila ngayon.


"You're public. But if you don't post those intriguing cryptic posts, the public won't know. Respect your marriage. Yes, no marriage is perfect. But keep it within the four walls of your home and talk it out with the party concerned and not us, who can't help and fully understand. 


"Kathniel and KimXi are  a classy act. And they're not even married yet. You are, so it calls for greater respect for your husband and kids. If you want a sounding board, talk to your pastor and to God.  The public will just gossip. And bash."


"Ewan ko saiyo Sharon!!paiyak'iyak ka pa!pa'Post post!pati mga tao nag'alala saiyo!'tapos ending?..naka'Smile ka't kasama cla kiko?..Ano yun⁉️Are you Ok⁉️...Kaya cguro iniwan ka ni Gabby dahil sa ugali mong ganyan🤨biglang pa'Tampo,'tas biglang Ok,wala lang〜"



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo