Daniel Padilla Despiradong Makuha Ulit Si Kathryn Bernardo

Biyernes, Disyembre 29, 2023

/ by Lovely

Kumakalat ngayon sa ilang social media platforms ang isyu na tila nagiging desperado na umano ngayon ang aktor na si Daniel Padilla na makipagbalikan sa kanyang ex girlfriend at ka-loveteam na si Kathryn Bernardo.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ng mga netizens na sinusuyong muli ni Daniel Padilla ang kanyang ex-girlfriend na si Kathryn Bernardo dahil noon pa mang nagdaang Christmas special ng ABS-CBN ay panay lapit na ni Daniel kay Kathryn Bernardo.


Naging extra sweet pa ang aktor kay Kathryn sa nagdaang Asia Artist Award, binura na rin niya ang kanyang break-up message kay Kathryn Bernardo.


Subalit, matapos ang ilang linggo na hindi umubra ang panunuyong ito ni Daniel Padilla kay Kathryn Bernardo, naging desperado na umano ang aktor na muling balikan ni Kathryn. Kaya naman humingi na umano ang aktor ng tulong sa anilang mga common friends.


Ayon sa mga kumakalat na chika, nakikiusap umano si Daniel sa malalapit na kaibigan nilang dalawa ni Kathryn na i-setup sila para makapag-usap sila ng masinsinan.


Nais umanong kausapin ng masinsinan ni Daniel Padilla si Kathryn Bernardo upang linawin at magpaliwanag sa aktres hinggil sa mga isyung kinakasangkutan niya na naging dahilan ng kanilang paghihiwalay.


Subalit, marami ang naniniwala na kahit anong pakiusap ni Daniel Padilla kay Kathryn Bernardo ay hindi na umano nito mawiwin back pa ang aktres dahil kita naman na tila masaya na ito sa pagiging single.


Ayon pa sa paniniwala ng ila na masyadong malaki umano ang kasalanan ni Daniel Padilla kay Kathryn Bernardo kaya naman malabo nang balikan pa ito ni  Kathryn.


Maging ang veteran showbiz columnist na si Cristy Fermin ay naniniwala rin na kahit pakinggan ng mga kaibigan nila ni Kathryn o ng aktres man mismo ang paliwanag ni Daniel Padilla ay wala pa ring mangyayari.


May nagsasabi pa na baka hindi naman dahil sa mahal pa ni Daniel si Kathryn kaya sa makikipagbalikan rito kundi na realize lamang umano ng aktor na maapektuhan ang kanyang showbiz career kapag nakahanap ng bago si Kathryn Bernardo na ipapalit sa kanya.


"Kath made a very good decision. Daniel is not a respectable and a well mannered person. He is a shame! Kath is strong and will make it alone. She does not need Daniel, after all, he is not worth keeping for! Daniel was a mistake ever since."



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo