Sarah Lahbati Pinagtawanan Ang Mga Patutsada Ng Byenan Na Si Annabelle Rama

Lunes, Disyembre 11, 2023

/ by Lovely

 

Sa kauna-unahang pagkakataon, tila nagbigay na ng reaksyon ang aktres na si Sarah Lahbati hinggil sa isyung hiwalayan nila ng kanyang mister na si Richard Gutierrez. Ito'y matapos ang pagsisiwalat ni Annabelle Rama na isa sa mga dahilan ng hindi pagkakaunawaan ng mag-asawa ay ang pagwawaldas ng pera ni Sarah.


Maging ang mga magulang ng aktres ay tila hindi na rin nakatiis sa mga pambabatikos at mga masasakit na salitang naririnig nila sa ina ni Richard Gutierrez.


Bukod sa napag-uusapang hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, na kamakailan lamang ay kinumpirma  nila sa publiko, ilang linggo na ring pinag-uusapan ngayon sa social media ang hiwalayan ng mag-asawang sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.


Bagama't hindi pa nagsasalita sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, tila kinumpirma naman na ito ng ina ng aktor na si Annabelle Rama sa kamakailang interview niya sa ABS-CBN.


Sa nasabing panayam kay MJ Felipe hayagang inamin ni Annabelle Rama na sa kanya nakatira ngayon si Richard Gutierrez kasama ng mga anak nitong sina Zian at Kai.


Unti-unting naglilipat si Richard ng mga gamit ngayon sa bagong bahay nito sa Alabang. Ipinahayag din ni Annabelle Rama na hindi sila nagkaka-usap ngayon ni Sarah Lahbati dahil wala siyang panahon para kausapin nito.


Nagpatutsada pa si Annabelle Rama na habang subsub sa trabaho ang kanyang anak na si Richard Gutierrez ay winawaladas naman umano ni Sarah Lahbati ang perang kinikita ni Richard Gutierrez.


Samantala sa Instagram account ng aktres, makikita ang mga pinagkakaabalahan nito ngayon at ang kanyang mga solo achievement.


Ayon sa caption ni Sarah Lahbati sa kanyang Instagram post kalakip ang kanyang larawan, masaya siya ngayon sa piling ng kanyang sasakyan at sa paglalaro ng tennis.


Samantala, matapos ang naging panayam ni Annabelle Rama sa ABS-CBN marami ang nag-aakusa ngayon na kaya hindi nagiging successful ang buhay may-asawa ng kanyang mga anak ay dahil sa kanyang pakikialam.


Kaagad namang dinipenshan ni Annabelle Rama ang kanyang sarili laban sa mga pambabartikos sa kanya ng mga netizens at mga akusasyon na siya ang dahilan sa hiwalayan ng mag-asawa.


Ayon sa naging pahayag ni Annabelle Rama, na inilabas niya sa kanyang social media account, ang mga magulang umano ni Sarah Lahbati ang totoong dahilan ng hindi pagkakaunawaan nina Sarah Lahbati at kanyang anak ay ang mga magulang ni Sarah Lahbati.


Ayon kay Annabelle Rama, nagulat na lamang sila nang dumating sa bansa ang nanay at tatay. Doon na umano naganap ang malaking gulo.


Bagama't walang ipinahayag na pangalan, kaagad namang nalaman ng mga netizens na ang tinutukoy ni Annabelle ay ang mga magulang ni Sarah Lahbati.


Ipinunto pa ni Annabelle Rama sa lahat na huwag sa kanya ibagsak ang lahat ng sisi. Iginiit din ni Annabelle na walang katotohanan ang mga haka-haka na siya ang may gusto na maghiwalay ang dalawa dahil ayaw niyang mangyari ito alang-alang sa kanyang mga apo.


Samantala, nakuha naman ng showbiz reporter na si MJ Malfori na makuha ang panig ni Sarah Lahbati sa mga isyung ito sa presscon ng kanyang panibagong teleseryeng Lumuhod Ka Sa Lupa. Nang maitanong kay Sarah ang estado ng relasyon nila ng kanyang mister na si Richard Gutierrez, na kamakailan lamang nababalitang nagkahiwalay na rin.


Ipinahayag ni Sarah ang kanyang pag-iwas at tumangging sumagot sa mga personal questions na ibinabato sa kanya lalo na ang isyu nila ng kanyang asawa.


Tinawanan lang rin ni Sarah Lahbati ang katanungan patungkol sa tila pasaring sa kanya ng ina ni Richard Gutierrez.


Ayon kay Sarah Lahbati, hindi na lamang umano niya papatulan ang mga pambabanat sa kanya ng kanyang biyanan. Magpopokus na lamang umano siya ngayon sa pagmamahal sa sarili.


Bagama't nagbalik na siya sa paggawa ng mga teleserye, sinisiguro pa rin umano niya na hindi niya napapabayaan ang kanyang mga anak.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo