Kim Chiu Umamin Sa Tunay Na Dahilan Ng Hiwalayan Nila Xian Lim

Huwebes, Disyembre 28, 2023

/ by Lovely


 Hanggang ngayon ay naging palaisipan pa rin sa mga netizens ang patungkol sa totoong dahilan kung bakit naghiwalay ang longtime celebrity couple na sina Xian Lim at Kim Chiu.


Ayon sa mga kumakalat na haka-haka, wala naman umanong third party na involved sa paghihiwalay ng dalawa dahil pareho naman nilang mahal ang isa't-isa.


Subalit, ayon sa isang episode ng Marites University, napag-alaman nila na si Kim Chiu umano mismo ang tumapos sa relasyon nila ni Xian Lim, matapos ang 12 years nilang pagiging mag-boyfriend-girlfriend dahil napagod na umano ang aktres sa paghihintay na magpropose sa kanya si Xian Lim.


Handa na umano si Kim Chiu na magsettle down pero hindi pa umano handa si Xian Lim na lumagay sa tahimik dahil ayaw umano ng aktor na may kokontrol sa kanyang buhay na siyang mangyayari kung matatali na siya kay Kim Chiu.


Hindi naman ito ang unang pagkakataon na naiulat na ang kawalan ng plano ni Xian Lim ang pagpapakasal kay Kim Chiu kahit sa tagal na panahon ng kanilang pagiging magnobyo.


Sa kabilang banda, may mga naglabasan ding ulat na may kinalaman ang pamilya ni Kim Chiu sa naging hiwalayan ng dalawa. Ayon sa mga kumakalat na chika, matagal na umanong hindi gusto ng pamilya ng aktres ang aktor sa hindi pa malamang dahilan.


May mga naglabasan pang video na kuha mula sa mga nagdaang panayam sa aktor kung saan halata sa mukha nito ang pagka-asiwa ng matanong sa kanya ang patungkol sa relasyon niya sa pamilya ng nobyang si Kim Chiu.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo