Kathryn Bernardo at Daniel Padilla Magkakasama Ulit Sa Abs Cbn

Martes, Disyembre 5, 2023

/ by Lovely


 Ikinalungkot ng mga KathNiel fans ang hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla dahil hindi nila matanggap na hahantong lamang sa wala ang relasyon ng dalawa na umabot sa mahigit 11 years.


Noong November 30, tuluyan nang kinumpirma nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang kanilang hiwalayan ilang linggo matapos maisyung matagal nang hiwalay ang dalawa.


Gayunpaman, maari umanong magbunyi ngayon ang mga fans ng dalawa na umaasa sa kanilang pagbabalikan dahil pumayag umano sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na magsama sa iisang okasyon sa ABS-CBN.


Usap-usapan ngayon sa social media ang pagpayag nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa iisang proyekto bilang magka-loveteam.


Tila hindi pa rin magtatapos ang kanilang tambalan sa kabila ng pagtatapos ng kanilang pagmamahalan bilang totoong mag-couple.


Ayon naman sa ilang mga netizens na talagang pinapatunayan lamang nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na walang nangyaring bitterness sa kanilang paghihiwalay dahil handa pa rin silang magkatrabaho.


Bukod pa rito, pinapatunayan lamang umano ng dalawang Kapamilya Stars na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang pagiging professional nila sa kani-kanilang mga careers.


Nauna na rito, na nakatanggap si Kathryn Bernardo ng mga papuri mula sa mga netizens dahil sa matapang na pag-amin niya sa hiwalayan nila ni Daniel Padilla.


Lalo pang nakatanggap ng papuri si Kathryn Bernardo nang lumabas ang balitang handa pa rin si Kath na makatrabaho si Daniel sa kabila ng mga isyung naglabasan kabilang na ang paulit-ulit na pambabae nito.


Sa kabilang banda, naging matunog naman ang mga request ng mga netizens na pagtambalin muli sina Kathryn Bernardo at Alden Richards dahil sa mga kumakalat na video clips mula sa promotion ng pelikula nilang Hello, Love Goodbye noong 2019.


Marami kasi ang nakapansin sa malakas na chemistry ng dalawa, marami rin ang nagsasabi na kung magkakaroon sila ng relasyon ay susuportahan rin nila ito.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo