Paulo Avelino Matagal Nang May Gusto Kay Kim Chiu

Martes, Disyembre 5, 2023

/ by Lovely


 Inamin ng aktor na si Paulo Avelino na matagal na niyang gusto ang Kapamilya actress na si Kim Chiu noon pa mang nasa GMA Network pa ito.


Kamakailan lamang sa isang panayam ay hayagang inamin ng Kapamilya actor na si Paulo Avelino na matagal na niyang gustong makasama ang aktres na si Kim Chiu sa iisang pelikula at nais rin niyang makatambal ito.


Bagama't matagal bago nangyari ang pangarap niya noong pagsasama ni Kim Chiu naging worth the wait naman umano ito dahil sa magkasunod na teleserye ay naging leading lady niya ang aktres.


Samantala, marami naman sa mga tagahanga nina Paulo Avelino at Kim Chiu ang kinilig ng kumalat sa ilang mga social media platforms ang Tiktok video nila na magkasama.


Marami rin ang napahanga sa malakas na chemistry ng dalawa na nakakapagbibigay ng kilig sa kanilang mga tagahanga.


Sa ngayon ay abala na sina Paulo Avelino at Kim Chiu sa pagti-taping sa pinagtambalan nilang drama series, a`ng Philippine adaptation ng hit South Korean rom-com na What's Wrong with Secretary Kim?


Ang nasabing adaptation ay collaboration ng Viu Philippines at ABS-CBN under Dreamscape Entertainment. 


Sa kabilang banda, lumalabas naman ngayon ang isyung nagkakamabutihan na umano sa totoong buhay sina Paulo Avelino at Kim Chiu dahil matagal na umanong naghiwalay sina Xian Lim at Kim Chiu.


Sa ngayon ay inaabangan ng mga netizens ang tambalang KimPau at ang kanilang pagganap sa Philippine adaptation ng What's Wrong With Secretary Kim?



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo