Anak ni Paulo Avelino Na Si Aki, Tuwang-tuwa Sa Regalo ng Ama Sa Pasko

Biyernes, Disyembre 29, 2023

/ by Lovely


 Hindi nalimutan ng aktor na si Paulo Avelino ang pagpapadala ng Christmas gift sa kanyang anak kay LJ Reyes na si Aki.


Kasalukuyang nasa New York ngayon si Aki kasama ang kanyang ina na si LJ Reyes at ang kanyang step dad na si Philip Evangelista.


Very proud namang ibinahagi ni Paulo Avelino sa kanyang Instagram account ang video kung saan makikita ang pag-unbox ng kanyang anak na si Aki sa kanyang regalo para rito.


Isang PS5 ang ibinigah na regalo ni Paulo Avelino para sa kanyang panganay na anak.


Sa video, maririnig ang boses ni LJ Reyes na masayang inuudyukan ang kanyang anak sa pagbubukas ng regalo.


Marami naman sa mga fans ni Paulo Avelino ang lalong humanga sa aktor dahil hindi nito pinabayaan ang kanyang anak kay LJ Reyes. Hindi umano nakalimutan ng aktor ang kanyang anak kahit malayo ito sa kanya.


Marami rin ang humanga sa aktor dahil sa tuwing nakakatanggap ito ng mga awards ay palaging kasama ang kanyang anak na si Aki sa kanyang mga pinapasalamatan at pinapasalamatan.


Naglalaan din ng oras si Paulo Avelino na makipagkita at makausap ang kanyang anak kay LJ Reyes.


Sa kabilang banda, marami naman sa mga netizens kung nakapagbigay ba umano ng Christmas gift si Paolo Contis sa anak niya ky LJ Reyes katulad ng ginawa ni Paulo Avelino kay Aki.


Ibinahagi rin naman ni LJ Reyes ang kanilang masayang pagdiriwang ng pasko. Ibinahagi rin ni LJ ang kanilang larawang magpamilya.


May mga nakapansin din na hindi nalalayo ang mukha ng mister ni LJ Reyes sa mukha ng kanyang dalawang anak na kung titingnan ay ito ang biological father ng mga ito.


Samantala, narito naman ang komento ng ilang mga netizens sa ibinahaging post ni LJ Reyes.


"My life isn't perfect but I'm happy to see a woman who deserve to be a happy woman"


"Deserve..merry Christmas...buti pa si Paulo Avelino responsible na tatay kay Aki...kaya lodi ko Paulo A magaling na actor magaling pa tatay!"


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo