Star Cinema Movie Na 'Rewind', Kumita Na Ng 110 Million Pesos

Biyernes, Disyembre 29, 2023

/ by Lovely


 Matapos ang Gabi ng Parangal ng MMFF 2023, inaabangan naman ngayon ng mga netizens ang anunsyo kung alin sa mga film entry ang nakakuha ng pinakamalaking kita.


Ayon sa amin nakalap na impormasyon, umabot na sa mahigit 110 million ang kinita ng pelikulang Rewind na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera under Star Cinema at APT Entertainment.


Kahit hindi pa nagbibigay ng official figures ang pamunuan ng Metro Manila Film Festival patungkol sa pelikula na may pinakamalaking kita, marami ang naniniwala na mangunguna ang Rewind movie nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.


Dahil sa balitang ito, muling napapatanong ang mga netizens kung bakit kahit na pinipilahan ang pelikulang Rewind ay hindi pa rin ito nakakuha ng kahit isang award sa nagdaang Gabi ng Parangal.


Marami naman ang nagsasabi na bawi-bawi naman sakaling manguna ang Rewind sa figures ng kita.


Sa kabilang banda, may mga nagsasabi na matagal na umano nilang napapansin na ang mga pelikulang produce ng Star Magic ay hindi umano nakakatanggap ng awards sa MMFF.


Marami rin ang pumuri sa nasabing pelikula dahil kinapupulutan umano ito ng aral at magandang panoorin kasama ang buong pamilya.


Samantala, nagbigay naman ng mensahe ng pasasalamat si Marian Rivera para sa lahat ng mga tumangkilik sa kanilang pelikula ni Dingdong Dantes. Hiling pa ni Marian Rivera na patuloy na suportahan ng mga Pilipino ang kanilang pelikula.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo