Xian Lim Nagsalita Na Tungkol Sa Hiwalayan Nila Ng Kanyang Long Time Girlfriend Na Si Kim Chiu

Huwebes, Nobyembre 9, 2023

/ by Lovely


 Hanggang ngayon ay naging usap-usapan sa ilang mga social media platform ang isyu ng hiwalayan ng longtime celebrity couple na sina Kim Chiu at Xian Lim.


Maging sa showbiz oriented vlog ni Ogie Diaz ay napag-usapan na rin ang isyung ito.


Ayon kay Ogie Diaz nakarating sa kanya ang balitang naghiwalay na sina Xian Lim at Kim Chiu sa pamamagitan ng isang source na nasa showbiz rin.


Ayon umano sa source ni Ogie Diaz, matagal nang naghiwalay sina Xian Lim at Kim Chiu. Ilang buwan na rin umano ang nakakalipas.


Matatandaan na lumutang ang balitang naghiwalay na sina Kim Chiu at Xian Lim, nang mapansin ng mga netizens na matagal na silang hindi nagkakasama.


Palagi na lamang ding nagsosolo ang aktres sa kanyang mga out of town shows at maging sa pagbabakasyon ay mag-isa na lamang si Kim Chiu.


Mas lalo pang tumindi ang hinala ng mga netizens na naghiwalay na ang dalawa nang mapansin ng mga netizens na hindi na silang nagkokomento sa kani-kanilang post sa social media na dati naman ay palagi nilang ginagawa.


Hanggang ngayon ay hindi pa rin matapos-tapos ang isyu ng hiwalayan ng dalawa lalo na't hindi naman nagbibigay ng mga pahayag ang dalawa. Parehong dini-dedma lamang nila ang mga naglabasang balita.


Sa kabilang banda, naniniwala naman ang kanilang mga fans na ang dahilan kung bakit nanahimik ang dalawa ay ang nakalinyang proyekto nila na dapat nilang i-prioritize.


Sa mga nasabing proyekto, may kanya-kanya silang katambal na maaring maapektuhan.


Samantala, ayon sa aming nakalap na impormasyon, nasa ibang bansa si Xian Lim at abala rin sa kanyang mga naka linyang proyekto.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo