Vice Ganda, Billy Crawford Nagkaayos Na, Billy Magiging Regular sa Its Showtime?

Huwebes, Nobyembre 9, 2023

/ by Lovely


 Halos di makapaniwala ang ilang mga netizens na magiging special guest ni Vice Ganda sa Magpasikat 2023 ang dating mga hosts ng show na sina Coleen Garcia ar Billy Crawford kasama ang kanilang anak na si Amari.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ang pagkakaroon ng alitan sa pagitan ng dating malapit na kaibigan na sina Vice Ganda at Billy Crawford.


Tila natuldukan naman na ito ngayon nang muling nakapunta sa Showtime sina Billy. Humingi aman ng paumanhin si Billy Crawford kay Vice Ganda at sa iba pa nilang kasamahan sa show at maging sa mga madlang pipol.


Maging ang iba pang It's Shotime hosts ay nagulat rin sa pasabog ni Vice Ganda, naging emosyunal pa ang ilan sa kanila dahil sa labis na kasiyahan sa pagkakaayos nina Vice Ganda at Billy Crawford.


Ikinatuwa naman ng mga madlang pipol ang presensya ng dating mga It's Showtime hosts, marami ang nagsasabi na 'The world is healing.'


"I'm sorry Madlang pipol, nahanap ko ang aking asawa at nabuo ko ang aking pamilya dahil sa programang ito."


Dagdag pa ni Billy, "On my end, I want to say I'm sorry, I'm sorry madlang pipol. I'm sorry Kapamilya. Nagpakumbaba lamang ako gagawin ko kasi ang lahat para sa aking pamilya."


Nakatanggap naman sila ng isang mainit na group hug mula sa kanilang It's Showtime family.


Matatandaan na naging bahagi ng It's Showtime si Billy Crawford mula nang binuo ito noong 2009 hanggang umalis siya noong 2018.


Naging bahagi rin noon si Coleen Garcia sa show subalit mas nauna siyang umalis kay Billy Crawford.


Mula nang umalis ang dalawa sa show ay hindi na sila namataang nakakasama ng fating mga katrabaho.


Sa pagbabalik ni Billy Crawford sa It's Showtime marami ang napapatanong kung magiging regular host din ba ito sa naturang show katulad noon?




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo