Ricci Rivero, Gumawa ng Christmas Tree Mula sa Tambak Niyang Labahin

Martes, Nobyembre 14, 2023

/ by Lovely


 Tila nagbago na ang ihip ng hangin, ngayon ay tila sinasakyan na ni Ricci Rivero ang isyung naunang binato sa kanya noon ni Andrea Brillantes, patungkol sa hindi niya paglalaba sa loob ng isang taon.


Matatandaan na naging trending topic noon sa social media at naging katatawanan pa noon si Ricci Rivero dahil sa mga isiniwalat ng dalaga.


“Gusto ko lang sabihin minsan, kung hirap ka mag-move on, kailangan mo talaga isipin ‘yung mga bagay na, ‘Talaga ba iiyakan ko ‘yung lalakeng hindi nagpapa-laundy nang isang taon?” 


Marami pa ang humanga kay Andrea Brillantes dahil natitiis umano nito ang hindi paglalaba ni Ricci Rivero.


Agad naman itong pinabulaanan noon ni Ricci Rivero at sinabing gawa-gawa lamang ni Andrea Brillantes ang kwentong hindi siya naglalaba.


Ipinahayag pa ng basketball player kung gaanong hiya ang kanyang naramdaman nang naging laman siya sa mga balita at tawanan ng mga netizens.


“Nanahimik ako sa detalye at tiniis lahat ng gawa-gawa nilang paninira diyan sa mga laundry na ‘yan, sa mga gamit sa bahay para lang pagbigyan ang coping mechanism nila, pero sobra na,” pahayag ni Ricci Rivero.


“Wala naman nang mawawala sa akin, so bakit hindi ako magsasalita kung gusto pala nila ng detalye at hanggang ngayon hindi sila matigil sa kahibangan nila sa buhay ko,” dagdag pa ng basketball player.


Subalit, tila biglang nag-iba ang ihip ng hangin nang bigla na lamang sinakyan ni Ricci Rivero ang dating pinabubulaanang isyu patungkol sa kanyang mga labahin.


Kamakailan lamang ay ibinahagi ni Ricci Rivero sa kanyang social media account ang kanyang DIY Christmas tree na gawa ng nakatambak niyang labahin.


Ito'y sa gitna ng usapin na may nanliligaw sa kanyang brand na panlabang sabon kung saan binabalak siyang kunin bilang endorser.


“Feeling the holiday spirit already,” caption ni Ricci Rivero.


Agad naman itong umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens.


Marami ang nagsasabi na talagang napaka-ingrato nitong si Ricci Rivero, pa deny-deny pa umano ito noon subalit nagpapakita naman ng resibo na magpapatunay na totoo ang ibinibintang sa kanya ni Andrea Brillantes.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo