Elizabeth Oropesa May Inamin Sa Publiko May Itinagong Lihim Noon Pa

Martes, Nobyembre 14, 2023

/ by Lovely


 Kinumpirma ng award-winning actress na si Elizabeth Oropesa ang matagal nang tsismis tungkol sa pagkakaroon nila ng anak ng beteranang aktor na si Dante Rivero.


Sa isang panayam kay Snooky Serna, sinabi ni Elizabeth na nakilala niya si Dante nang maging bahagi sila ng pelikulang Lumapit… Lumayo ang Umaga noong 1975.


Pagkatapos ay sinabi niya na si Dante ang kanyang greatest love at inamin na mayroon silang isang anak.


Ayon pa sa kanya, walang nakakaalam sa kanilang relasyon dahil sa pagiging malihim ng show business noong dekada 70.


Bukod pa rito, ipinahayag din ni Elizabeth na pinili rin niyang ilihim noon ang pagkakaroon nila ng anak ni Dante. Hindi rin niya ugali na ibahagi ang kanyang personal na buhay.


“Of course, we have one son. hindi lang kasi ako madaldal. Noong araw kasi, hindi uso yung… wala naman social media,” pahayag ni Elizabeth.


“And then you don’t normally talk about your personal life before,” dagdag pa ng beteranang aktres.


Ayon pa kay Elizabeth na ang anak nila ni Dante ay nasa 40's na ngayon. Isiniwalat din ni Elizabeth na tanging si Dante Rivero lamang ang kanyang nakarelasyon niya sa showbiz.


“Dante is the only man in my life that belongs to the showbiz world. Siya lang, walang iba,” pag-amin pa nito.


Sa kabilang banda, hindi pa nagbibigay ng pahayag ang beteranong aktor na si Dante Rivero hinggil sa isiniwalat na sekreto ni Elizabeth Oropesa.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo