Paolo Contis Nilinaw Ang Isyung Hiwalay Na Sila Ni Yen Santos

Huwebes, Nobyembre 23, 2023

/ by Lovely


 Nagbigay na ng pahayag ang Eat Bulaga host hinggil sa kumakalat na isyung iniwan na umano niya ang kanyang girlfriend na si Yen Santos dahil nililigawan na niya ang kanya co-host na si Arra San Agustin matapos kumalat ang videos na sweet sila sa isa't-isa.


Hindi na natutuwa ang Eat Bulaga host na si Paolo Contis sa mga kumakalat na tsismis tungkol sa umano'y romantic affair nila ng kanyang co-host na si Arra San Agustin.


Sa isang panayam kay Boy Abunda, iginiit ni Paolo Contis na magkarelasyon pa rin sila ni Yen Santos at walang katotohanan na nakikipagrelasyon siya sa iba.


“Yes, kami pa ni Yen,” pahayag ni Paolo Contis.


Ayon kay Paolo Contis, in-edit lamang ang video na ina-upload ng mga netizens sa social media, na nagpapakita ng pagiging clingy niya kay Arra. Iginiit niya na bahagi lang ito ng skit nila sa noontime show.


“Alam mo yung kumakalat samin ni Arra, it’s an edited video of a portion in Eat Bulaga and it was maliciously edited. It’s a love… skit triangle ni Arra, ako, at saka si Candy, played by Betong, and they just keep on posting the Arra side of it.”


Matatandaang nag-viral si Paolo Contis sa social media matapos i-celebrate ni Yen ang kanyang kaarawan nito. Makikita rin na tila hindi man lang binati ni Paolo Contis ang kanyang girlfriend.


Nagsimula ang tsismis na hiwalay na ang dalawa, ilang buwan matapos nilang aminin sa publiko ang kanilang relasyon, nang kumalat ang video ng pagiging sweet ni Paolo Contis kay Arra San Agustin na co-host nito sa Eat Bulaga.


Kasunod nito, namataan ring mag-isa na lamang si Yen Santos sa kanyang pamimili sa isang mall. Hindi katulad noon na lagi niyang buntot si Paolo Contis.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo