Karla Estrada, Naglabas ng Mensahe Sa Gitna Ng Isyung Kinakaharap Ngayon Ng KathNiel

Huwebes, Nobyembre 23, 2023

/ by Lovely


 Naglabas ng isang cryptic post ang celebrity mom na si Karla Estrada sa gitna ng kumakalat na tsismis na ang kanyang anak na si Daniel Padilla ay nakipaghiwalay na sa kanyang matagal nang girlfriend na si Kathryn Bernardo.


Inilabas ni Karla ang kanyang mensahe ilang araw matapos ang kanyang kaarawan kung saan hindi sumipot si Kathryn Bernardo at hindi rin naglabas ng online greetings para sa kanya.


Sa kanyang mga post, binanggit ni Karla ang tungkol sa mga ‘sins’ at utang na loob.


“He who is without sin among you, let him be the first to throw a stone,” pagbabahagi ni Karla ng isang quote mula sa Bible.


Lalong naintriga ang mga netizens nang himukin ni Karla ang mga indibidwal na huwag umasa sa isang tao.


“Hindi mo utang sa iba ang buhay mo. Wag mong gawing props lang ang pagkatao mo para mapasaya mo lang ang iba,” said Karla. “Pasayahin mo ang iyong sarili, deserve mo yun! At kung ang iba ay hindi natutuwa, bahala sila. Kalungkutan nila ‘yon.”


Matatandaan kumalat ang ilang tsismis sa social media na nagsisiwalat na hiwalay na sina Daniel at Kathryn dahil sa umano'y third party.



Nali-link ngayon ang Kapamilya actress na si Andrea Brillantes kay Daniel, at usap-usapan na ilang beses na silang palihim na nagkita simula pa noong nagdaang taon habang si Seth Fedelin pa ang karelasyon ni Andrea.


Ang isyu ay nagbunsod ng conflict sa pagitan ni Andrea at KathNiel fans. Mapapansin din ngayon na tila ina-unfollow na ng malalapit na kaibigan ni Kathryn Bernardo sina Andrea Brillantes at Daniel Padilla.


As of writing, hindi pa naglalabas ng sagot sina Daniel at Kathryn sa mga kumakalat na tsismis.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo