Just in! Aktor Inaming Hiwalay Na Sa Aktres

Huwebes, Nobyembre 23, 2023

/ by Lovely


 Nagbigay na ng pahayag ang isang Kapamilya actor kung saan kinumpirma niya ang kanilang hiwalayan ng kilalang actress sa industriya ng showbiz.


Kinumpirma na ng Kapamilya actor at Senior High Star na si Elijah Canlas ang kanilang break-up ng kanyang girfriend na si Miles Ocampo.


Sa isang exclusive interview kay Elijah ng ABS-CBN News, kabilang sa mga naitanong sa aktor ang estado ng relasyon nila ng aktres na si Miles Ocampo.


Kaagad naman itong sinagot ng aktor kung saan ipinahayag niyang naghiwalay na sila ni Miles.


Ayon kay Elijah, nagkaroon sila ng matinding pagsubok kamakailan sa kanilang relasyon bukod sa mga pinagdadaanan nila personally.


"It's been hard but we're figuring things out, pahayag ng aktor."


Isiniwalat ni Elijah sa unang pagkakataon ang break-up nila ni Miles Ocampo ilang buwan na ang nakakalipas.


"Okay naman kami, hindi kami galit sa isa't-isa and I always have love for her. I'm always gonna support her sa kahit anong gawin niya and I always be her number one fan, basically."


Dagdag pa ng aktor, "Naglalaan lang kami ng oras sa pag-iisip ng mga bagay-bagay sa aming sarili at sa aming buhay sa ngayon."


Matatandaan na inamin at isinapubliko nina Elijah at Miles Ocampo ang kanilang relasyon noon May 2022.


Unang umugong ang isyung naghiwalay na ang romantic couple na ito nung nagdedmahan ang dalawa sa iisang event na dinaluhan nila.


Kapansin-pansin na hindi sabay na rumampa sa red carpet noon ng Five Break-Ups and A Romance sina Miles Ocampo at Elijah Canlas na naganap sa SM Mega Mall.


Si Kathryn Bernardo ang nakasama ni Miles Ocampo sa pagrampa at katabi pa niya ito sa panonood ng pelikula nina Julia Montes at Alden Richards.


Ipinakita doon nina Miles Ocampo at Kathryn Bernardo ang dating kasamahan nila sa Going Bulilit at malapit ding kaibigan.


Samantala, ang co-actor naman ni Elijah Canlas sa Senior High na si Kyle Echarri ang nakasama niya sa paglakad sa red carpet.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo