Kathryn Bernardo Hindi Binati Si Karla Estrada sa Kaarawan

Miyerkules, Nobyembre 22, 2023

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa social media ang patuloy na pananahimik ng KathNiel sa isyung kinaharap nila ngayon, maging ang dati nilang tagapagtanggol sa mga bashers na si Karla Estrada ay nanahimik rin.


Sa kamakailang kaarawan ni Karla Estrada kung saan ipinagdiwang niya ang kanyang ika-49 na kaarawan, kaagad na napansin ng mga netizens na hindi nila nakasama si Kathryn Bernardo.


Hindi rin binati ng aktres ang ina ni Daniel Padilla na dati naman niyang ginagawa noon. Gayunpaman, hindi naman nagsasalita si Karla Estrada kung personal o nagpadala ng private message si Kathryn Bernardo para batiin siya.


Kasunod nito, ibinahagi naman ni Karla Estrada ang isang cryptic post na hinala ng ilang mga netizens ay may kaugnayan sa nangyayari ngayon sa pagitan ng kanyang anak at Kathryn Bernardo.


“Hindi mo utang sa iba ang buhay mo. Wag mong gawing props lang ang pagkatao mo para mapasaya mo lang ang iba. Pasayahin mo ang iyong sarili, deserve mo yun! At kung ang iba ay hindi natutuwa, bahala sila, kalungkutan na nila yun.”


Hindi naman napigilan ng ilang mga fans na mag-alala sa totoong nangyari sa pagitan ng magkasintahan.


Gayunpaman, naniniwala pa rin ang ilang mga fans sa naging pahayag ni Daniel na aayusin niya at siya na ang bahala sa relasyon nila ni Kathryn.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo