Michelle Dee, Bagong National Director ng Miss Universe Philippines

Huwebes, Nobyembre 23, 2023

/ by Lovely


 Trending at usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang balitang si Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee na ang bagong National Director ng Miss Universe Philippines.


Nag-ugat ang usaping ito matapos ang ibinahaging live video ni Olivia Quido. Nakunan ng kamera ang pag-uusap nila ni Michelle Dee kasama sina Jonas Gafud at Voltaire Tayag.


May sasabihin sana si Jonas kay Olivia patungkol kay Michelle subalit pinigilan siya ng Beauty Queen. Nag-signal si Michelle na i-secret na muna nila sa pubiko ang balita at ibinulong na lamang nito kay Olivia ang balita.


Pahayag ni Jonas, "Miss O, siya ang bagong ano, the new.."


Makikita namang nagulat si Olivia sa ibinulong ni Michelle Dee sa kanya. Gayunpaman, bakas na sa mukha nito ang excitement sa ibinulong ni Michelle Dee.


Hinala ng marami na nabili na ng pamilya ni Michelle Dee ang franchise ng Miss Universe pageant ng bansa at itinakda siyang maging bagong National Director nito.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat kung gaano kayaman ang pamilya nina Michelle Dee. Isa ang kanilang pamilya sa may malaking share sa kilalang bangko ng dito sa Pilipinas, ang China Bank.


Kaya naman, hindi malabo na binili na ng pamilya nito ang franchise ng prestigious pageant.


Sakaling totoo ang balitang ito, magiging ka-level na ni Michelle ang mga naunang national directors ng Miss Universe pageant na sina Stella Araneta at Shamcey Supsup.


Kung matutuloy man ito, tiyak na maiiba na ang magiging atake ng Pilipinas sa mga susunod na Miss Universe competitions.


Tiyak umanong sisiguruhin ni Michelle na maging katulad sa kanyang paghahanda sa pageant ang ipagagawa niya sa susunod na maging kandidata ng bansa.


Kilala na rin niya ang ugali at katangian ng Miss Universe owner na si Anne Jakrajutatip, kaya naman kung may mga insidenteng magaganap sa show ay alam na niya kung ano ang approach na gagawin.


Sa kabilang banda, wala pang ipinapalabas na official statement ang Miss Universe Philippines organization hinggil sa balitang ito.


Maging ang kasalukuyang National Director ay nananahimik pa rin hinggil sa bali-balitang ito.





Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo