Kathryn Bernardo, Daniel Padilla Lilipat Na Ng Ibang Talent Agency

Miyerkules, Nobyembre 22, 2023

/ by Lovely


 Usap-usapan pa rin hanggang ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment sites ang isyu ng hiwalayan ng celebrity couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.


Kasunod ng mga isyung ito, may naglabasang mga speculations na iiwan na umano ng KathNiel ang ABS-CBN Star Magic.


Ayon sa isang source, hanggang ngayon ay hindi pa umano nagrerenew ng kontrata ang KathNiel sa ABS-CBN gayung nag-expire na umano ang kanilang mga kontrata nitong taon.


Sa katatapos lamang na Christmas event ng Star Magic nitong sabado, kapansin-pansin na hindi dumalo ang KathNiel. Gayung hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na mga Star Magic talent silang dalawa.


Marami na rin ang nakapansin na hindi sumisipot ang dalawa sa iba pang mga Star Magic event ngayong taon.


Samantala, kumalat naman ngayon sa social media ang larawan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo kung saan kasama nila si Maja Salvador.


Hinihikayat umano ngayon ni Maja Salvador ang dalawa na lumipat na sa kanyang talent agency na Crown Artist Management ngayong nag-epire na umano ang kontrata ng dalawa sa ABS-CBN at Star Magic.


Sa kabilang banda, wala pa namang ipinapalabas na pahayag ang ABS-CBN at ang Star Magic hinggil sa isyung hindi na irerenew ng KathNiel ang kanilang kontrata.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo