Kathryn Bernardo, Daniel Padilla Hiwalay Na? Andrea Brillantes Itinuturong Dahilan

Biyernes, Nobyembre 10, 2023

/ by Lovely


 Hanggang ngayon ay umaani pa rin ng samu't-saring komento mula sa mga netizens ang isyung isiniwalat ng showbiz insider at talent manager na si Ogie Diaz patungkol sa longtime celebrity couple na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.


Marami sa mga fans ng KathNiel ang nagulat sa impormasyong ipinahayag ni Ogie Diaz sa isang episode ng kanyang programa patungkol kina Daniel Padilla at Andrea Brillantes.


Sa isang episode ng Ogie Diaz Showbiz Update na umire noong myerkules November 8, 2023, ipinahayag ni Ogie Diaz ang balitang nakarating sa kanya patungkol sa paghihiwalay umano nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.


Nilinaw naman ni Ogie Diaz na ang impormasyong ito ay hindi pa naman kumpirmado. Hiniling din niya sa kampo nina Daniel at Kathryn na magsalita.


Ayon sa impormasyong nakarating kay Ogie Diaz, si Andrea Brillantes umano ang naging dahilan kung bakit tinuldukan na nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang kanilang relasyon.


Nauna nang kumalat sa social media na noong 2022 ay palihim na umanong nagkikita sina Andrea Brillantes at Daniel Padilla.


Sa panahong ito si Seth Fedelin ang karelasyon ni Andrea Brillantes.


Naungkat ang isyung ito nang may nakipagpustahan na hindi umano papayag si Kathryn Bernardo na makasama sa trabaho si Andrea Brillantes.


Sa kabilang banda, naniniwala naman si Ogie Diaz na hindi magagawa ni Daniel Padilla na lokohin si Kathryn Bernardo dahil kilala niya ito bilang conservative at lumang tao.


Bukod pa rito, alam umano ni Ogie Diaz kung gaano kamahal ni Daniel Padilla si Kathryn Bernardo.


Sa kabilang banda, hanggang ngayon ay hindi pa nagbibigay ng pahayag ang magkasintahang Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.


Maging ang ina ni Daniel na si Karla Estrada ay nananahimik rin sa isyu.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo