Nikko Natividad Dinur0-Duro Si Ogie Diaz

Huwebes, Nobyembre 9, 2023

/ by Lovely


 Trending ngayon sa social media ang video clip nang pagduro-duro ni Nikko Natividad sa kilalang showbiz reporter at talent manager na si Ogie Diaz.


Sumabak sa trending na acting workshop ni Ogie Diaz si Nikko Natividad. Sa unang bahagi ng video makikitang tinapik-tapik ni Ogie ang braso ni Nikko Natividad pahiwatig na nais niyang dagdagan pa nito ang emosyun sa idideliver nitong line.


Makikita naman na todo-bigay ang acting ni Nikko Natividad ngunit matapos ang pangatlong paghampas ni Ogie sa kanyang braso ay hinarap na nito si Ogie Diaz.


Dinuro-duro ni Nikko Natividad si Ogie Diaz habang isinisigaw ang mga pahayag na, "Hayop ka, may araw ka rin. Mabubulok ka sa impyerno!" 


Nasaktan na kasi umano siya sa mga paghampas ni Ogie Diaz sa kanyang braso kaya hindi niya napigilan ang sarili.


Sa caption ng video, humingi naman ng paumanhin si Nikko kay Ogie.


"Sorry mama @ogie_diaz nadala ako. Hindi ko po sinasadya. Kaya natatakot ako maging actor baka hindi ko mapigilan feelings ko Tingin nyo? Pwede naba ako sa LINLANG?"


Marami naman sa mga netizens ang natatawa sa video dahil makikitang maging si Oge ay nagulat nang siya naman ang kinaharap ni Nikko.


Unang nakilala si Nikko Natividad matapos niyang manalo sa Gandang Lalake segment ng It's Showtime. Kinalaunan, napabilang din  siya sa tinaguriang "kilig ambassadors" ng noontime show, ang grupong Hashtags. 



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo