Leren Bautista Matapang Na Rumesbak Kay Andrea Brillantes!

Lunes, Oktubre 23, 2023

/ by Lovely


 Muli na namang napag-uusapan sa social media sina Leren Mae Bautista at Ricci Rivero matapos ang tuluyang pag-amin nila sa kanilang relasyon.


Noon pa man, naging mainit na ang mga mata ng netizens sa dalawa dahil si Leren Mae ang tinuturong dahilan ng hiwalayan nina Ricci Rivero at Andrea Brillantes.


Pinabulaanan naman ito noon nina Ricci at ni Leren kung saan pareho nilang iginiit na magkaibigan lamang sila.


Subalit, makalipas ang ilang buwan hayagan na ngang kinumpirma ni Ricci Rivero ang romantic relationship nila ni Leren Mae sa pamamagitan ng isang post.


Iginiit ni Ricci Rivero na hindi nila kailangan na magtago dahil wala namang mang-aagaw at walang inagaw. Ipinahayag din niya na puprotektahan niya si Leren Mae sa lahat ng mga bumabatikos rito.


Dahil dito muling kinukuyog ang dalawa at sinasabihan pang mga sinungaling ng mga fans ni Andrea Brillantes sa naunang pagtanggi nila sa kanilang relasyon gayung totoong may namamagitan na pala sa kanila noon habang magkarelasyon pa sina Ricci Rivero at Andrea Brillantes.


Sa kabilang banda, nagbigay naman ng pahayag si Leren Mae kung saan sinabi niyang nilinaw na nila ni Ricci ang kanilang sitwasyon.


Hiniling pa niya na huwag siya ang tanungin tungkol sa pang-aagaw at si Andrea na lamang ang tanungin.


"Don't ask me, ask her! Kaso hindi ka niya mapapansin dahil dito ka nagpapapansin," bwelta ni Leren Mae.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo