Kim Chiu Wala Ng Balak Ituloy Ang Relasyon Kay Xian Lim

Lunes, Oktubre 23, 2023

/ by Lovely


 Marami ang napapatanong ngayon hinggil sa totoong estado ng relasyon nina Kim Chiu at Xian Lim.


Hanggang ngayon ay nagkakaroon pa rin ng mga agam-agam ang mga netizens na baka hindi na umano going strong ang relasyon ng dalawa dahil sa malimit na pagsasama ng mga ito.


Matatandaan na noong ABS-CBN's Ball, mag-isa lamang na rumampa si Kim Chiu sa red carpet dahil nasa ibang bansa umano si Xian Lim kasama ang mga kaibigan nito para mag-motor.


Inaasahan naman ng kanilang mga tagahanga na magkakaroon ng quality time ang dalawa dahil sa pagkakasuspinde ng It's Showtime sa loob ng 12 airing days.


Subalit hindi ito nangyari dahil lumipad pa L.A si Kim Chiu dahil may event siya roon. Kinuha na rin niya ang pagkakataong ito para mabisita si Kris Aquino na kasalukuyang nagpapagaling doon.


Sumunod din si Kim sa bakasyon ng It's Showtime family sa Hongkong at nakibonding sa mga ito.


Sa kabilang banda, napapansin rin ng mga netizens na hindi na tinatag nina Kim Chiu at Xian Lim ang isa't-isa sa kanilang mga social media posts.


Dahil dito, naungkat ng mga netizens ang naging cryptic post noon ni Xian Lim habang nakasuot ng shirt na may nakasulat na napapagod na siya.


Sa kabilang banda, may mga naniniwala pa rin naman na hindi naghihiwalay ang dalawa, bagkus ay kapwa busy lamang umano ang mga ito sa kani-kanilang mga projects.




 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo